top of page
Search
BULGAR

Pamimigay ng 1,000 tablets, kaya in-announce in public…

HIRIT NI WILLIE: ITO ANG PANAHON NA DAPAT IPAALAM ANG PAGTULONG

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 29, 2020



Matapos mag-donate ng tumataginting na P5 milyon bilang tulong sa mga jeepney drivers na apektado sa pandemya, gayundin sa naulila ng apat na OFWs na nasawi sa pagsabog sa Beirut, Lebanon, ang mga estudyante naman ngayon ang nais tulungan ni Willie Revillame.


Mamimigay ang super-generous na TV host ng 1,000 tablets na magagamit ng mga estudyante sa online classes.


Sa kanyang Tutok To Win show ay ipinakita ni Willie ang sampol ng mga android tablets na ipamimigay niya.


“Umorder ako ng marami ho para sa pasukan ng mga bata. Kasi maraming nakikiusap sa akin, 'Puwede ba 'yung para sa pag-aaral ng mga anak namin?' 'Di ba? Siguro naman, tama naman 'yung ginawa natin. 'Yung mga namamalimos na tsuper, nagbigay tayo ng tulong kahit papa'no. Ito naman ngayon ang kailangan, wala silang pambili, eh. Ang problema lang, ang tanong ko, paano 'yung nasa probinsiya kung wala silang Wi-Fi?” ani Willie.


Inunahan na rin ng TV host ang mga bashers na maaaring pumuna na naman na ipinamamalita niya ang kanyang tulong.


“Ito ang panahon para (ipaalam) n'yong tumutulong ka. Alam n'yo bakit? Para alam mo na natatanggap nila ang itinulong mo. 'Yan ang importante ho. Dahil kung ibibigay ko ito nang palihim, hindi ko naman alam… (kung nakakarating sa pinagbigyan),” sey ng TV host.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page