top of page
Search
  • BULGAR

Pamilya muna raw, Kira… “KUNG NASAAN PO ANG MOMMY KO, DU'N AKO” - LA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Sep. 23, 2024



Showbiz news

Puring-puri ng mga dumalo sa premiere night ng pelikulang Maple Leaf Dreams (MLD) ang acting ni Kira Balinger bukod sa may maganda itong mukha.


Hindi lang naman dito sa MLD nagpakita ng galing niya sa pag-arte ang aktres, kahit sa iba nitong TV series sa ABS-CBN ay napansin na siya at hinulaang lalaki ang pangalan niya sa tamang panahon.


Siyempre, hindi naman nagpahuli ang leading man-cum partner (in life?) ni Kira na si LA Santos pagdating sa aktingan dahil nakakasabay naman ito kaya tinukso ang aktor na inspired siya.


“Kahit hindi ko naman partner (kasama sa project) si Kira, sa kanya pa rin ako nai-inspire,” nakangiting sagot ni LA na halatang kinilig naman ang dalaga.

At napatingin si LA sa bandang itaas at sabay sabing, “Hi Tita Vicky, love you.”


Ang ina ni Kira na si Ginang Vicky Balinger ang sinabihan ni LA ng ‘Love you’ at katabi naman nito ang ama ng aktres na si Ginoong Tony Balinger.


Natuwa rin ang media sa narinig kay LA, kaya naghiyawan ang lahat.


Sa pagpapatuloy ni LA, “Actually, lahat naman po ng character ko at work ko po ay minamahal ko talaga at ibinibigay ko talaga ang puso ko lalo na for this one na nabigyan ako ng chance po saka na-bless ako na si Kira ang partner ko rito. Kasi ever since naman talaga ay naglu-look up na ako kay Kira at nakita ko ‘yung growth n’ya, kaya I’m proud of you (sabay tingin sa dalaga).”


At dahil tapos na ang shooting at patapos na rin ang promo ng pelikula in a few weeks dahil ipapalabas na ito sa Setyembre 25 ay tuloy pa rin ba ang pagsasama nina LA at Kira?


“Tuloy na po ako pauwi,” birong sabi ni LA.


Reaksiyon naman ni Kira, “Wala naman po (akong masasabi), ganu’n pa rin.”

From a reliable source ay matagal nang close sina Kira at LA na sa pagkakaalam niya ay mahigit isang taon na pero lowkey lang ang dalawa, kaya hindi masyadong napag-uusapan at naging maganda rin dahil hindi sila sagabal sa trabaho ng bawat isa at kung may hindi pagkakaintindihan ay hindi ito naisusulat at inireresolba nila ito na sila lang.


Samantala, natanong din si LA kung posible bang makipagsapalaran siya sa ibang bansa tulad ng Canada kahit may maganda siyang buhay o trabaho rito sa Pilipinas.

“Siguro po sa ngayon na sinuwerte ako sa buhay na binigyan ako ng chance na maging artista o umarte, kaya ayoko pong i-take for granted lahat. 


“Kaya nu’ng nasubukan ko to play Macky ay hindi ko sinasayang ang bawat moment sa pamilya ko, kaya sobrang thankful po ako kung ano’ng meron ako ngayon,” sey ni LA.


Saludo rin si LA sa mga kababayang OFWs dahil sa sakripisyo nila para sa mga mahal nila sa buhay na ang tingin ng ibang tao ay madali lang ang buhay nila, dahil nga nakakapagpadala sila ng mga gamit na katumbas ng malaking halaga rito sa bansa, pero ang totoo, ilang gabing pagpupuyat ang ginawa nila para makaipon at may mga pagkakataong tinitipid nila ang kanilang pagkain.


Kaya sa pelikula ay may mga OFWs na nagbahagi ng kanilang experience simula nang dumating sila ng Canada at kung ano’ng hirap ang kanilang dinaanan bago sila naging stable roon at dito ay maraming naka-relate sa mga dumalo sa premiere night ng Maple Leaf Dreams dahil isa rin pala sila sa produkto ng OFW na magulang at ‘yung iba ay nagretiro na at bumalik na rito sa Pilipinas.


May pahabol si LA na pupuwede raw siyang mangibang bansa kapag kasama ang pamilya niya, “Kung nasaan po ang mommy ko, du’n ako, mga kapatid ko, du’n ako, basta sama-sama po kami.”


Ang sagot niya sa kung okey sa kanyang iwan ang babaeng mahal niya, “‘Yun lang, well, kung puwede namang kasama ko s’ya, kung nasaan ang pamilya niya o pamilya ko, isasama ko s’ya. Ang importante po ay ‘di kami malayo sa pamilya namin.”


Sang-ayon naman si Kira sa paliwanag ni LA, “Same po, family is everything talaga. Ang hirap po malayo sa loved ones, good thing na everybody I love ay nandito sa Pilipinas, so I’m here, my home is here, my job is here, dito ang buhay ko and I’m happy.”


Anyway, mapapanood ang Maple Leaf Dreams simula September 25 sa mga sinehan at sa iba’t ibang cities ng Canada sa September 27 tulad ng Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton at Vancouver.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page