top of page
Search
BULGAR

Pambato ng ‘Pinas, may kakaibang ganda raw, pero… RABIYA, SI MS. THAILAND ANG MAHIGPIT NA KALABAN SA

MISS U


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 12, 2021




Sa ikalawang pagkakataon ay kinuha ulit ang SkinCare & O Skin Med Spa ng CEO at founder na si Ms. Olivia Quido-Co (licensed aesthetician) bilang official skin care sa 69th Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Manila) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.


Nauna ang partnership nu’ng Miss Universe 2019 na pinanalunan ni Zozibini Tunzi mula sa South Africa.


Masayang ibinalita ni Ms. Olivia sa ginanap na virtual mediacon ang muling pagkuha sa kanyang serbisyo lalo’t nagdaratingan na sa Estados Unidos ang 80 kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo.


Sey ni Miss O, “Excited ako roon kasi meron tayong aalagaan na 80 delegates na beauty queens around the world. Tayong mga Filipinos ang mag-aalaga ng beauty queens all over the world.”


Ang Miss U representative ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay kasalukuyang nasa Los Angeles kung saan sila magkikita ni Ms. Olivia para sa pre-pageant activity kasama rin si Ms. El Salvador, Vanessa Velasquez.


Samantala, magkakaroon daw ng live audience sa grand coronation night pero limitado ito sa 25% lang ng capacity venue.


May ticket-selling para sa pageant, at ang mga miyembro ng audience ay iho-hold sa isang bubble sa hotel bago ang grand coronation night.


Kuwento ni Ms. Olivia ay sobrang istrikto ang health protocols na ipapatupad dahil araw-araw ang COVID-19 swab test para sure na safe ang lahat.


“Meron silang tinatawag na COVID-19 protocol na may hinire silang agency, ang Miss Universe, na ite-test kami, lahat kami, ang mga mag-aalaga sa mga delegates for I would say, every day daw ‘yung swab test namin.


"Du’n pa lang, mahigpit na mahigpit na sila because they will place us in a bubble sa hotel.”


Siyempre, natanong si Ms. O kung ano ang nakikita niyang tsansa ni Rabiya sa 79 kandidata at palarin kaya itong maging ika-limang Ms. U ng Pilipinas?


“Meron siyang something about her aura, and meron siyang charm na very relatable. You know, magaling siyang speaker, strong ‘yung story niya. I think those are her edge na malaki ang chance natin sa Miss Universe this year,” paliwanag nito.


Bukod kay Rabiya, ang nakikita raw ni Ms. O na strong contender sa Miss U ngayon ay si Amanda Obdam ng Thailand.


At siyempre, gusto ring makilala ni Miss O at muling makita si Miss Chile Daniela Nicolás dahil isa siya sa mga naging panel of judges sa Miss Chile.


“Excited din ako to meet Miss El Salvador, para siyang Barbie doll, as in literally parang Barbie doll, so I wanna see her in person at si Maria Thattil ng Australia,” dagdag pa ni Ms. O.


Inalala ng California-licensed aesthetician kung paano nagsimula ang partnership niya with Miss Universe nu’ng 2019 when she helped the pageant’s swimsuit competition and shared skin care tips for the candidates.


Ang isa sa mga tumulong kay Ms. Olivia para makilala nang husto ang kanyang SkinCare & O Skin Med Spa ay noong dalhin ni Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines pageant at kilalang beauty queen maker, ang dating beauty queen na si Venus Raj at dahil naging word of mouth ang magandang serbisyo ay dinagsa na ito ng mga kilalang celebrities ng bansa at mismong mga taga-America na rin.






0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page