ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | August 26, 2021
Isinumite ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang National Expenditure Program nitong nakaraang Lunes, August 23.
Umaabot sa P5.024 trilyon ang panukalang Pambansang Budget. Mas mataas ito ng 11.5 percent kumpara sa budget ngayong taon, at katumbas ito ng 22.8 percent ng gross domestic product.
☻☻☻
Ang mga sumusunod ang mga sektor na makakukuha ng pinakamalaking bahagi ng budget:
Social services- P1.922 trillion, o 38.3 percent ng GDP;
Economic services- P1.474 trillion o 29.3 percent ng GDP;
General public services- P862.7 billion (17.2 percent GDP);
Debt burden- P541.3 billion (10.8 percent GDP);
Defense spending- P224.4 billion (4.5 percent GDP).
Nasa P240.75 bilyon naman ang panukalang pondo para sa pandemic response, na ibibigay sa iba’t ibang ahensiya.
☻☻☻
Sa pagsumite ng NEP ay opisyal nang nagsisimula ang “budget season”.
Asahan ninyong susuriin at bubusisiin natin ang panukalang budget nang masigurong mabibigyan ng sapat na alokasyon ang mga programang para sa kapakanan ng mga kababayan natin, lalo na iyong mga patuloy na nagdurusa dahil sa dagok ng pandemya.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments