top of page
Search
  • BULGAR

Pamba-bash, wa’ epek… RUFFA, IBINULGAR NA PA-CHOPPER-CHOPPER AT PA-YATE-YATE LANG SI WILLIE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 13, 2023




Naniniwala si Ruffa Gutierrez na malalampasan din ni Willie Revillame ang dinadaanan nitong intriga at kontrobersiya ngayon kabilang na ang katakut-takot na bashings na natatanggap ng TV host dahil sa ginawang paglipat sa AllTV at pang-iiwan sa GMA-7, pero ngayon ay isa rin sa makakansela ang Wowowin show nito.


“You know, si Kuya Wils, I love Kuya Wils, pero I think, he’s like a cat. He has 9 lives, you know, parang nawala na siya, bumalik, nawala, bumalik, he’ll never go anywhere.


“I was calling him nga, sabi ko, ‘Kuya Wils, okay ka lang?’ (Sabi niya) ‘Mamaya na, mamaya na, nasa chopper ako papuntang yate!' Ay, papuntang yate! 'Di ba, nasa chopper siya.


“So, I think, he’ll be fine, I don’t think he will suffer a lot,” sabi ni Ruffa nang makatsikahan namin sa presscon ng pelikulang Martyr or Murderer.


At sa katakut-takot na bashings na natatanggap ngayon ni Willie, narito ang payo ni Ruffa, “Ang advice ko lang kay Kuya Wils, enjoy life. He’s super successful already, you know, enjoy time with his family, ‘wag nang pansinin ang mga bashers. Nandiyan lang ‘yan, ang importante, happy siya sa pamilya niya, and sa tingin ko, narating na rin niya ‘yung tuktok ng tagumpay.


“And I believe that Kuya Wils has a good heart. So, ‘yung mga natulungan niya, nand'yan lang ‘yan, so patuloy siyang ipinagdarasal.


“So, chin up, Kuya Wils, don’t be so sensitive,” payo ni Ruffa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page