ni Julie Bonifacio - @Winner | August 11, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_02e4c79ddcf947d093ad6a4132c8dba9~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_02e4c79ddcf947d093ad6a4132c8dba9~mv2.jpg)
Napahanga kami kay Jane de Leon sa passion niya sa pag-aartista. Naluha nga kami upon hearing her story na pumunta siya sa ABS-CBN para mag-workshop na P100 lang ang dalang pera kasama ang kanyang ina whom she referred as “Darna” ng buhay niya.
Pinagkakasya raw niya ang P100 kasama na ang pambili ng pagkain at tubig buong araw, kuwento niya sa ginanap na grand presscon ng Darna.
Kaya keribels ni Jane kahit gaano kahirap ang mga ginawa niya sa super-inaabangang pantaserye ng ABS-CBN.
"She is made for this," 'ika nga nila.
Say ni Jane, “Ginagawa ko talaga ito because I love my craft and my passion talaga.
Nagpapasalamat ako kay Lord, of course, na kahit paano, nasagot na po 'yung pinaghirapan namin ng buong pamilya.”
Wish niya na magtuluy-tuloy na ang magandang kapalaran niya sa showbiz at simula ng katuparan ng kanyang mga pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya. Isa na riyan ang magkaroon sila ng bahay.
“Opo, kaya ngayon po, kumakayod talaga ako para sa family ko, especially kay Mama kasi wala na po si Papa. Dream ko po talaga 'yun para sa aking family,” emosyonal na sabi ni Jane.
Ngayon pa lang ay curious na kaming makita ang bagong version ng costume ni Darna na ginamit ni Jane sa bagong primetime bigtime offering ng ABS-CBN sa publiko.
Kinabog kaya ng Darna costume ni Jane ‘yung mga isinuot ng mga naunang Darna?
Aabangan namin ‘yan sa premiere telecast pa lang ng Darna sa Lunes, August 15, on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, and iWantTFC.
Ang bongga ni Jane, ha? Imagine, sa tatlong TV networks plus may mga online platforms pa mapapanood ang bagong Darna.
Ang taray!
Comments