top of page
Search

Pamantayan para malaman kung empleyado ng kumpanya

BULGAR

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 25, 2025



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Itinatanggi ng kumpanya na ako ay kanilang empleyado. Paano ba ito malalaman kung ako ay empleyado? — JK


 

Dear JK,


Una sa lahat, alinsunod sa pagkilala na ang paggawa ay isang pangunahing puwersang panlipunan at pang-ekonomiya, ang buong proteksyon dito ay isang patakarang panlipunan na nakasaad sa ating Konstitusyon.


Pinalalakas ng ating mga batas ang patakarang ito. Sa mga kontrata sa paggawa, ang likas na katangian ng pagtatrabaho ng isang manggagawa ay itinatakda ng batas, anuman ang nakasaad sa kontrata o pinakita ng mga partido. Ang mga kontrata ng paggawa ay hindi mga ordinaryong kontrata dahil ang mga ito ay puno ng pampublikong interes. Ang mga naaangkop na probisyon ng batas ay itinuturing na kasama sa kontrata at ang mga partido ay hindi maaaring i-exempt ang kanilang mga sarili mula sa saklaw ng mga batas sa paggawa sa pamamagitan lamang ng pagpasok sa isang kontrata. Kaya, anuman ang mga katawagan at itinakda ng kontrata, ang kahulugan at bias nito ay dapat basahin nang naaayon sa patakarang panlipunan ukol sa pagbibigay ng proteksyon sa paggawa.


Upang matukoy ang pagkakaroon ng employer-employee relationship, ang pagkakaroon ng ganitong relasyon ay natutukoy sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na pagsusuri: ang four-fold test at economic dependence test. Tinalakay ang mga pagsusuring ito sa kasong Flordivina M. Gaspar vs. M.I.Y. Real Estate Corp., and Melissa Ilagan Yu, G.R. No. 239385, 17 Abril 2024, sa panulat ni Hon. Associate Justice Ramon Paul L. Hernando:


In the recent case of Ditiangkin, this Court ruled that the existence of an employer-employee relationship is determined by employing a two-tiered test: the four-fold test and the economic dependence test.


The often-cited four-fold test requires the concurrence of the following factors: (1) the employer’s selection and engagement of the employee; (2) the payment of wages; (3) the power to dismiss; and (4) the power to control the employee’s conduct. The Court has held that the power to control is the most significant among the four factors. Under this test, an employer-employee relationship exists where the person for whom the services are performed reserves the right to control not only the end achieved, but also the manner and means to be used in reaching that end.


In Ditiangkin, the Court elaborated that the power to control extends not only over the work done but over the means and methods by which the employee must accomplish the work.  Moreover, it is sufficient that the employer ‘has a right to wield the power [of control]’ even without actually exercising such power.


This Court only applies the economic dependence test when the control test is insufficient. In the economic dependence test, the economic realities of the employment, such as, among others, the extent to which the services performed are an integral part of the employer's business, or the extent of the worker’s investment in equipment and facilities, are considered to get a comprehensive assessment of the true classification of the worker.”


Ayon sa four-fold test, ang mga sumusunod na pamantayan ay dapat maipakita/mapatunayan: (1) ang pagpili at pagkuha/pag-hire ng employer sa empleyado; (2) ang pagbabayad ng sahod; (3) ang kapangyarihang magtanggal sa empleyado; at (4) ang control test o kapangyarihang kontrolin ang gawain/trabaho (at ang paraan/pamamaraang gagamitin upang maisakatuparan ito) ng empleyado. Ang huling pamantayan ang pinakamahalaga sa apat.


Sa kabilang banda, ginagamit ang economic dependence test kapag ang control test ay hindi sapat. Sa economic dependence test, ang mga pang-ekonomiyang realidad ng trabaho, tulad ng saklaw ng serbisyong naibigay o ang laki ng pamumuhunan ng manggagawa sa mga kagamitan at pasilidad, ay isinasaalang-alang para makuha ang komprehensibong pagsusuri ng tunay na klasipikasyon ng manggagawa.


Ang mga nabanggit na pagsusuri o tests, ay maaari mong gamitin para matukoy kung ikaw ba ay empleyado ng kumpanyang iyong pinapasukan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page