top of page
Search
BULGAR

Pamamayagpag ng mga sex den, dagdag-problema sa pandemic

@Editorial | May 24, 2021



Sa kabila ng banta ng patuloy na pagkalat ng COVID-19, may mga pasaway na walang pakialam basta mapagbigyan ang hilig.


Hindi na inisip ang posibleng kahinatnan ng paggawa ng ilegal at ang perhuwisyong puwedeng makuha ng ibang tao sa masamang gawain.


Tulad ng pamamayagpag ng mga sex den sa gitna ng pandemya.


Sa isang lungsod sa Metro Manila, 11 ang kulong kabilang ang mga kostumer habang 30 kababaihan ang nasagip na sinasabing ibinubugaw sa nasabing dating restoran na ginawang prostitution den.


Patago itong nag-o-operate kahit may pandemic, na lubhang delikado.


Matatandaang may ulat na rin na nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga nasasangkot sa ganitong gawain.


Isa pa sa mga dapat maimbestigahan ay ang pagkakadawit ng mga alagad ng batas na umano’y tumatanggap ng pera kapalit ng proteksiyon sa ganitong gawain.


Kung hindi nila kayang magtino sa puwesto, dapat nang pagsisibakin para hindi na pamarisan.


Walang anumang rason na puwedeng ibigay para sa ganitong gawain.


Panawagan sa mga kinauukulan, suyurin ang mga establisimyento na nagsasagawa ng mga ilegal na operasyon para kumita.


At sa mga hayok sa laman d'yan, huwag n'yo nang hintaying magkasakit at makapanghawa bago pa kayo matauhan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page