top of page
Search
BULGAR

Pamamahagi ng P200 monthly ayuda start na ngayong buwan — Palasyo

ni Jasmin Joy Evangelista | March 17, 2022



Ang mga benepisyaryo ng P200 monthly ayuda mula sa gobyerno ay puwede nang makakuha simula ngayong buwan, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.


Sa isang interview, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang mga benepisyaryo ay ang mga nakakatanggap ng subsidiya sa gobyerno sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


"That's about 12 million individuals," aniya.


Sa ilalim ng 4Ps program, ang isang household ay maaaring makatanggap ng P1,400 hanggang P3,000 kada buwan bilang health at education grants depende sa bilang ng anak at nakadepende kung pasok sa mga kondisyon ng gobyerno.


Ang monthly P200 subsidy — na ibibigay bilang "unconditional" cash transfer, ayon kay Andanar — ay ipamamahagi sa buong taon.


"Ito pa ay on top of the 4Ps na ibibigay doon sa ating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program," ani Andanar.


Nang tanungin kung kailan sisimulan ang distribusyon, sinabi ni Andanar, "Once na ma-download yung pera na nagkakahalaga ng P33 billion ay ibibigay na po talaga at ang target po ay this month masimulan na."


Kahapon, Miyerkules, nnaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o ayuda sa buong taon para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page