top of page
Search
  • BULGAR

Palit daw kay Ai Ai na Comedy Queen… MADAM INUTZ, GUSTONG MAIKAMA SI PIOLO

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | February 12, 2022





Mula nang umeskapo, as in nag-migrate na si Ai Ai delas Alas sa USA ay tipong may kapalit na siya agad bilang komedyana rin sa katauhan ni Madam Inutz simula nang ito ay lumabas sa Pinoy Big Brother KumunitySeason 10 Celebrity Edition.


Dating online seller si Madam Inutz na ang real name ay Daisy Lopez at ngayon nga ay kabilang siya sa romantic-comedy series nina ultimate heartthrob Piolo Pascual at Kapamilya star Angelica Panganiban titled OH, MY PAPA PI sa direction ni Cathy Garcia-Molina.


At dahil nga rito ay ang taas ng pangarap ni Madam Inutz at gusto niya raw maka-bed scene sa nasabing serye si Papa Piolo Pascual.


“Good luck sa akin! Lalo na ngayong nakapag-selfie na ako kay Papa P,” ang post ni Madam Inutz sa kanyang socmed kamakailan lang na sa inilagay niyang photo with Papa P. ay meron siyang ngiting tagumpay.


Wow, parang sequel ng pelikulang Kung Mangarap Ka at Magising, ha, Madam Inutz?


'Niwey, 'di naman masamang mangarap. Who knows, baka siya na nga ang palaring girlash na makakasalo sa iisang kumot ng isang Piolo Pascual, tutal kahit paano ay may hitsu naman si Madam Inutz.


'Yun na! Insert smiley, ☺!



 

Game na game sa pang-aapi sa aktres…

ISABEL: 'DI AKO TAKOT SA MGA FANS NI SANYA



'NIWEY, simula naman sa Lunes, saktong Valentine's Day, start na rin ang Book 2 ng First Yaya now titled First Lady na gagampanan naman ni Sanya Lopez.


Isa si Isabel Rivas sa mga pinakakontrabida rito ni Sanya at tipong nangangamoy na naman na magiging nominado siya bilang Best Supporting Actress ng mga award-giving bodies kundi man this katapusan ng year ay baka early next year.


Tinanong ni yours truly si Isabel Rivas kundi ba siya natatakot sa mga fans ni Sanya Lopez at sa ibang netizens dahil nga sobra kung api-apihin niya at pagsalitaan ng masasakit si Sanya sa First Lady serye ng Kapuso Network.


“Hindi ako takot kasi alam kong matured din naman ang mga fans nina Sanya. At alam nila, kailangang gawin ko ang trabaho ko para mag-shine. Mga idol nila kasi ay magagaling na artista at kailangang maging makatotohanan din ang pagiging bad ko sa First Lady.


“Pero in real life, mahal ko ang mga idols nila like Sanya Lopez dahil napakabait na bata at maganda pa.


“Super enjoy ako sa 2 months locked-in taping namin kasi lahat ng co-stars ko, including our director, plus production crew, ay mababait at lahat kami ay nagtutulungan para maayos at maaga naming matapos itong 2 months locked-in tapings namin dito sa First Lady na start na beginning this coming Monday in time sa Valentine's Day.


“Happy Valentine's Day and happy viewing ng First Lady, mga Kapuso!” ang mahabang sey ni Isabel Rivas na last year ay naging nominado sa PMPC Star Awards for TV dahil sa pagiging kontrabida niya kay Superstar Nora Aunor sa Bilangin Ang Bituin sa Langit.


'Yun lang and I thank you.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page