ni Lolet Abania | June 11, 2022
Tinupok ng sunog ang isang pangunahing palengke sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay, nitong Biyernes ng gabi, na umabot sa halagang mahigit P16 milyon ang inisyal na pinsala nito, batay sa ulat.
Agad na nagpatawag ng pulong ang lokal na pamahalaan ng Ipil ngayong Sabado upang talakayin ang naging pinsala matapos ang sunog sa Barangay Don Andres.
Ayon sa isang report na isinumite sa lokal na gobyerno ni Municipal Fire Marshall Inspector Percival Alar, nasa tinatayang 90 porsiyento ng main public market ng munisipalidad ang naabo.
Sinabi naman ni Alar na ang tinatayang halaga ng pinsala ay maaaring pang tumaas dahil sa naka-pending na mga affidavit ng mga lessors sa naturang lugar.
Tinatingnan naman ng mga imbestigador ang pagkakaroon ng electricity overload na posibleng isa sa mga dahilan ng sunog.
Ayon pa kay Alar, ito na ang ikatlong beses na ang naturang palengke ay nasunog noong 2020. Tinalakay din ng mga lokal na opisyal ang posibleng assistance na kanilang ibibigay sa mga apektadong vendors sa lugar.
Comments