top of page
Search
BULGAR

Palasyo: Cimatu nag-resign sa DENR dahil sa health condition, hind isa korapsiyon

ni Jasmin Joy Evangelista | April 3, 2022



Iginiit ng Malacañang na nag-resign si dating Environment Secretary Roy Cimatu dahil sa kadahilanang pangkalusugan at hindi dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.


Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, naglabas ng statement ang Malacañang na hangad ang mabuting kalusugan ng ex-environment chief.


Pinuri rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cimatu dahil sa “successful transformation and clean-up of Boracay and Manila Bay,” dagdag niya.


“There is therefore no truth to the insinuation and /or rumor of his involvement in corruption,” pahayag pa ni Andanar sa isang statement.


Binanggit din ng pangulo si Acting Secretary Jim Sampulna, ang kahalili ni Cimatu, bago nito ihayag na tinanggal niya ang anim na Cabinet members dahil sa umano’y korapsiyon.


“When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for them for this to have happened. But you know, whether you helped me during the elections or contributed something good, I am very thankful,” pahayag niya sa Cebuano.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page