top of page
Search
BULGAR

Palad ni Inday, may hatid na suwerte sa ibang bansa

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 30, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Gusto ko nang umalis sa kasalukuyan kong trabaho. Maliit na nga ang suweldo, masungit pa ang mga amo ko.

  2. Kaya naman agad akong napaisip na kung sakaling aalis ako rito, may mapapasukan pa kaya akong mas maganda at mas malaking suweldo? 

  3. Nagdadalawang isip kasi akong umalis dahil baka mapabilang lang ako sa mga taong walang trabaho, at ‘yun ang dahilan kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang ipaanalisa ang aking kapalaran, lalo na pagdating sa aking career. Kung sakaling umalis ako rito, makakahanap pa kaya ako ng magandang trabaho? 


KASAGUTAN

  1. Kung dito ka lang sa Pilipinas magtatrabaho at kabilang ka sa isang tipikal o pangkaraniwang empleyado, kahit tumuwad ka pa wala kang magagawa sa maliit mong suweldo dahil sobrang liit naman talaga ng suweldo rito sa ating bansa. Tulad ng nasabi na kahit tumuwad ka pa riyan sa kinauupuan mo, hindi ka talaga aasenso rito.

  2. Sa halip, ganito ang nais ipagawa ng iyong kapalaran. Mas mabuting mag-abroad ka para mas madali kang umasenso. Ito ang nais sabihin ng maaliwalas, makapal, maganda at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na kung aalis ka lang sa kasalukuyan mong kumpanya dahil maliit kamo ang iyong suweldo at pagkatapos ay sa isa na namang kuripot na kumpanya ka lilipat ng trabaho, eh ‘di balewala rin ang gagawin mong paglipat dahil karamihan sa mga kumpanya rito sa ating bansa ay puro kuripot.

  4. Kaya ang nais sabihin ng malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na kinumpirma ng iyong lagda na umaalun-alon na animo’y nagtatangkang lumipad at umangat paitaas, wala rito sa ating bansa ang magandang kapalaran mo, bagkus nasa pangingibang-bansa upang mas suwertehin at umasenso ka.

  

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Donna, kung susubukan mo na mag-apply sa abroad, sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, pinakamatagal na sa susunod na taon, tiyak ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong karanasan na magiging daan o simula upang tuluy-tuloy kang umunlad at umasenso.



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page