ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 11, 2023
KATANUNGAN
Ako ay namamasukan sa isang private company na hindi ko na lang papangalanan, sa ngayon ay isinasama ako ng amo ko sa Europe at ang sabi niya sa akin, kapag nandon na raw ako ay hahanapan niya ako ng trabaho at kapag nakapagtrabaho na ako, saka ko na lang daw siya bayaran sa magagatos niya sa akin.
Iniisip ko ngayon, Maestro, kung tama ba ang gagawin kong ito, hindi kaya ako mapahamak? Sabi naman ng mister ko, baka raw ito na ang pagkakataon upang kami ay umunlad at makapanirahan sa ibang bansa.
Sa palagay mo ba, dapat kong tanggapin ang alok ng aking amo? Nag-aayos na raw kasi siya ng mga papeles at isasama na rin niya ang mga papeles ko.
Madalas siyang pumunta sa Europe dahil may kapit siya ro’n sa gobyerno at marami na siyang kamag-anak na nandu’n ngayon.
KASAGUTAN
May malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tama ang mister mo, ito na nga ang pagkakataon upang umunlad at guminhawa ang inyong buhay. Kung ang itinatanong mo lang ay magiging maganda ba ang buhay mo sa ibang bansa, tulad ng nasabi na, dahil malawak at maganda ang Travel Line (t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad walang duda, magiging maunlad ka sa pangingibang-bansa, sa partikular sa anumang bansa sa kontinente ng Europa.
Ang kaso hindi ang Travel Line (t-t arrow a.) ang pumangit sa kaliwa at kanan mong palad, kundi ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.), kung saan ang Marriage Line na ito ay sinundan ng isa pang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.). Ito ay tanda na sa sandaling makarating ka sa ibang bansa, ro’n ka maaaring magkaroon ng panibagong lalaki, kung saan, siya na rin ang makakatulong sa iyo upang umunlad at umasenso, ang lalaki ding ito ang siya namang unti-unting sisira sa maayos at magandang samahan n’yong mag-asawa.
Posible rin, hindi lang natin matiyak na ang lalaking nabanggit ay maaaring siya na ang kasalukuyan mong amo na nag-aaya sa iyo sa ibang bansa, (Drawing A. at B. I-I arrow d.), kung saan, tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa iyo, madadala ka niya sa ibang bansa at baka nga siya pa ang magpasok sa iyo sa trabaho, ngunit ang posibilidad ay sinadya man niya o hindi, sa bandang huli, magkakaroon kayo ng lihim na relasyon o sa ibang salita magiging number two ka niya, at ito nga ang maaaring maging problema sa hinaharap. Kung saan, magtatagumpay nga kayong mag-asawa sa materyal na bagay ngunit unti-unti namang tatabang ang pagsasama at pagmamahalan n’yo.
MGA DAPAT GAWIN
May mga pangyayaring makakapag-abroad ang isa sa mag-asawa, pinapayagan noong isang panig ang kanyang asawa na mag-asawa sa ibang bansa. Pagkatapos ng legal na kasal, may pangako ang mag-asawa na idi-divorce, upang ang original na asawa ay muling makasama sa ibang bansa.
Ganu’n kalupit ang buhay ngayon, umangat lang at umunlad ang kabuhayan, pinapayagan ng lalaki o minsan ay babae ang kanyang mister o misis na mag-asawa ng ibang lahi sa ibang bansa upang kapag naging citizen na sa nasabing bansa ay mapitensyon naman ang tunay na asawa at mga anak.
Ayon sa iyong mga datos Alyssamae, halos katulad din ng ehemplong binanggit sa itaas, ang magaganap, ang kaibahan nga lang kapwa mo rin Pilipino ang magiging karelasyon mo, ngunit sa bandang huli, tulad ng nasabi na, kapag “citizen” ka na sa bansang Europa, lilipas ang mga ilang taon magkakasama-sama nang muling ang pamilya n’yo at sa panahong iyon habambuhay na kayong magiging buo at muling magiging maligaya.
Σχόλια