ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 27, 2023
KATANUNGAN
Maestro, naisipan kong sumangguni sa iyo upang itanong kung magkakabalikan pa kaya kami ng asawa ko?
Sa ngayon ay nandito ako sa mga nanay ko kasama ang dalawa naming anak. Tumatawag-tawag naman siya at nangangamusta, pero walang siyang sinasabi kung kailan siya babalik.
Sa palagay mo ba, Maestro, babalik pa kaya siya at muli kayang mabubuo ang aming pamilya?
KASAGUTAN
Nagulo ng bahagya ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.), sa kaliwa at kanan mong palad, ngunit kapansin-pansin ding may ikalawang mas malinaw at mas magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na gumuhit na naging kalapit ng naunang Marriage Line.
Ito ay tanda na posibleng ang ikalawang Marriage Line na ito (arrow b.) ay siya ring unang Marriage Line (arrow a.) bagama’t pumangit ay siya ring namang muling magbabalik sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran.
Ang pag-aanalisang magkakabalikan pa kayo ni mister, ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Cancer at Capricorn naman si mister. Ayon sa Oriental Astrology ang Capricorn at Cancer sadyang compatible at tugma sa para sa isa’t isa, dahil ang pagsasama ng tubig na siyang elemento ng Cancer at lupa na siya namang elemento ng Capricorn tulad ng nasabi na ay sadyang tugma at may maunlad, masagana at may panghabambuhay na pagsasama.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong datos, Che, wala namang nakitang tuluyang paghihiwalay sa guhit ng iyong palad, kung kaya’t mas makabubuting kung itutuloy mo ang regular na pakikipag-usap kay mister, sapagkat sa pagpasok ng buwan ng Hunyo makikita mo bubuti ng muli ang inyong relasyon, hanggang sa sumapit ang kalagitnaan ng buwan ng Hulyo sa taon ding ito, babalik na muli sa inyo tahanan ang iyong mister. Muling mabubuo ang inyong pamilya.
Comments