ni Mylene Alfonso @News | August 1, 2023
Nagliyab ang ikaanim na palapag ng Palacio del Gobernador na tanggapan ng Bureau of Treasury (BOT) kahapon ng tanghali sa Intramuros, Maynila.
Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog, alas-12:39 ng tanghali na tumagal ng tatlong minuto matapos ideklarang fireout ng alas-12:42 ng tanghali.
Itinuring naman ng BFP na isang 'rubbish fire' ang nangyaring sunog.
Nagsimula ang sunog sa Cooperative office ng BOT. Agad na napigilan ng safety teams ng mga ahensiya na may opisina sa lugar ang apoy bago pa man tuluyang lumaki.
Nagsasagawa naman ng assessment ang BFP, dahilan para suspendihin ni Commission on Election George Garcia ang trabaho ng mga empleyado.
Tiniyak naman ni Comelec Spokesman John Rex Laudiangco na hindi naapektuhan ang ginagawang paghahanda sa BSKE election at maging ang trabaho ng mga empleyado ng Comelec.
Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.
Walang naiulat na namatay o nasaktan sa insidente.
Comments