top of page
Search
  • BULGAR

Pakyawan sa pulitika… PACQUIAO, BALIK-SENADO, ANAK KONSEHAL, 2 UTOL PARTYLIST REP. AT GOVERNOR NAMAN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 5, 2024



Showbiz News

Hanggang October 8 pa ang filing ng Certificate of Candidacy para sa mga gustong tumakbo sa 2025 midterm elections. 


Ibig sabihin, sa loob ng ilang araw, may mga posible pang manggulat sa atin na showbiz celebrities na gusto na ring pumasok sa pulitika.


Although first time na nangyari na 'join' na rin sa sinasabing political dynasty ang pamilya ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, nakakatuwa na positive ang naging feedback at pagtanggap ng mga taga-Batangas sa naging desisyon ng mga anak ni Ate Vi na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto na tumakbong vice-governor at congressman respectively, habang magbabalik ang kanilang ina sa pagka-gobernador.


Pero kabaligtaran nito ang naging pagtanggap naman kay dating Sen. Manny Pacquiao at sa kanyang mga kapamilya sa balitang pare-pareho rin nilang gustong magkapuwesto sa gobyerno.


Matunog na nga kasi ang balitang muling tatakbong senador ang Pambansang Kamao, habang ang kanyang pangalawang anak namang si Michael Pacquiao ay kakandidato rin umanong konsehal sa General Santos.


Bukod sa mag-ama, tatakbo rin daw na partylist representative ang kapatid ni Manny na si Bobby Pacquiao, habang ang isa pa nilang utol na si Ruel ay sa pagka-governor naman ng Saranggani.


Ang asawa naman ni Bobby Pacquiao at hipag ni Manny na si GenSan City Mayor Lorelie Pacquiao ay muli raw tatakbo para sa second term nito.


At kung babasahin ang reaksiyon ng mga netizens sa isang Facebook page na nag-post ng pagtakbo ng mga Pacquiao, makikitang mas marami talaga ang hindi pabor.

Ilan sa mga nabasa naming comments (published as is)…


"Ang trapo ng pamilya ba to kulang na lang pati si dionisia isabak sa pulitika"

"Philippine Politics = Family Business

Philippine Politics = Takbuhan ng mga artistang walang project"

"Wala na, dynasty is real talaga."

"Pinakyaw na ang GenSan…"

"I guess voters are more educated now; It is a NO.""Sa educational background at humble nitong michael, swerte ang GenSan. Kaso baka masira ng politika si Michael. Sayang"

"anunaaa, sports ba ang pulitika ??"

"Joke na talaga ang Bansa natin!!!"

"Businessman na talaga itong mga Pacquiao..kulng nalng patakbuhin si aling dionisua eh..o kaya mga aso nila ..taga gensan ako..never vote them for local"

"Si Manny Paqiuao nga sa Bible lng humuhugot ng mga detalye sa gobyerno meaning walang alam , ano pa kaya ang anak"


Nababasa kaya ito ng pamilya ni Sen. Manny, lalo na ng ina ni Michael na si Jinkee Pacquiao? 


 

'Di pa rin buntis…

MAINE, LALONG PUMAYAT NANG MAG-ASAWA 


Maine Mendoza - Bingo Plus

SA tingin lang namin, mas pumayat pa si Maine Mendoza ngayong nag-asawa siya kesa nu'ng dalaga siya. 


Si Maine kasi ang ambassador ng newest game ng BingoPlus, the country's top platform for digital entertainment, ang "Pinoy Drop Ball" kaya special guest siya sa ginanap na bonggang launching last Sept. 29 sa Grand Hyatt Manila.


Inabangan talaga ng media kung may umbok na ba ang tiyan ni Maine dahil marami nga ang naghihintay kung buntis na ba ito at magkaka-baby na sila ni QC Cong. Arjo Atayde.


Pero sa hitsura ng katawan ni Maine na very slim, mukhang hindi pa rin preggy ang TV host-endorser.  


Sayang nga lang at ang bilis-bilis lang nagpakita ni Maine sa event at hindi na siya nakatsikahan ng mga press people para sana naitanong namin kung na-try na rin ba niyang maglaro nitong bagong game na kanyang ineendorso, ang Pinoy Drop Ball, na ipina-experience sa amin sa naturang event at marami ang natuwa at naghiyawan pa sa tuwing nananalo ng prize, ha?


Kaya naman, for sure, ang mga loyal fans ni Maine, curious ding ma-try ang Pinoy Drop Ball sa BingoPlus na katulad ng mga sikat nang larong Pinoy na Bingo, Tongits at Perya Games.


“As a brand deeply rooted in Filipino culture, it has been our mission to elevate traditional Pinoy entertainment and bring this experience to the modern age. Like our well-loved Filipino games Bingo Mega, Color Game, and Papula Paputi, Drop Ball promises to reignite your excitement and engage you further in the BingoPlus platform,” sabi ni DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco during his speech at the grand reveal. 


“Drop Ball is another leap forward in this mission, as BingoPlus continues to bridge offline traditions with modern technology, creating a more seamless and exciting experience for all,” dagdag pa nito.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page