top of page
Search
BULGAR

Pakinabangan ang mga nakatenggang property, now na!

ni Imee Marcos - @Buking | July 17, 2020


Tambak at nakatengga lang ang maraming property ng ating pamahalaan at mga lending institution. Eh, walang pakinabang, bakit ba hindi ito galawin at pakinabangan para ipangtustos natin ngayong panahon ng COVID-19 pandemic?


Juskoday, mga frennie pahirap nang pahirap ang buhay, utang dito at utang doon ang nangyayari para lang maka-survive habang tumatagal ang pananalasa ng pandemya sa ating kalusugan, ekonomiya, mga trabaho etsetera, etsetera! Eh, dapat maging praktikal tayo, ‘yung mga ganyang mga nakaimbak lang na assets, ibenta na ‘yan at pagkakitaan, ‘di ba?!


Mind you, mga seestra, darami pa ang mga hindi makababayad ng utang dahil sa patuloy na kahirapan dulot ng pandemya. Eh, tila virus na ang mga utang na ‘yan at pati ‘yung iba pang non-performing assets na nakakaapekto sa ating ekonomiya. Juicekoday!


Siyempre, para mapadali ang sistema, inihain natin ‘yung Senate Bill 1646 o ‘yung Financial Institutions Strategic Transfer ( FIST) Act na bubuo ng specialized asset-managing corporation na maglilinis mula sa pagkakautang at hindi mapakikinabangang ari-arian ng mga lending institution.


Hay naku, kulang ang P140-bilyong inilalaan ng ating mga economic manager sa ikalawang stimulus package. Makakatulong ang mga FIST corporations na dagdagan ang pondo ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan sa pandemya.


FYI mga besh, ang halaga ng mga problemadong pautang ng mga bangko pa lamang ay maaaring lumobo sa mga susunod na buwan ng hanggang 20% ng kabuuang mga loan mula sa kasalukuyang 5%, base sa pagtataya ng Bankers Association of the Philippines.


Sure tayong masusubukan ang tibay ng ‘Pinas sa mga susunod na buwan dagdag ang mga kautangan na ‘yan. Santisima! Dapat, hindi tayo kampante, kahit okay pa ngayon ang halaga ng piso vs dolyar, hindi natin batid kung hanggang kelan ito tatagal. Agree?


Remember mga friendship, mahina pa ang lokal na negosyo at export, eh, aabot pa raw sa 75,000 ang kaso ng COVID-19 sa ‘tin ayon sa UP researchers, kalerki! Kaya madaliin na ang hakbang, benta na ang mga toxic assets na ‘yan. Gora na!

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page