top of page
Search
BULGAR

Pahiwatig na pinanghihinaan ng loob dahil sa mga pagsubok

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | December 23, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Sheila na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Nais kong isangguni sa inyo ang panaginip ng kapatid ko. Ayon sa kanya, niyaya siya ng kaibigan niya paakyat sa 21st floor, pero hindi na raw niya maalala kung sino ang kaibigan na ‘yun. Mayroon silang kasama na ilang matatanda sa elevator, tapos noong paakyat na ang elevator, bigla itong nag-error. Habang bumabagsak ang elevator, sabi ng kapatid ko sa isip niya, “Pang-ilang beses ko nang muntik mamatay! Tingnan natin kung this time, matuluyan na talaga ako.” Hanggang sa namatay na nga siya, tapos ‘yung mga kasama niyang matatanda ay buhay. Pero ayon sa kanya, nakakausap pa rin ng kaluluwa niya ‘yung bunsong kapatid na babae namin. Inilibing daw siya sa American Heroes Cemetery.


Ano ang ibig sabihin ng lahat ng pangyayari sa panaginip ng kapatid ko? Isa siyang abogado, may kinalaman ba ito sa mga pangarap niya sa buhay o sa alinmang aspeto ng buhay niya?

Sana masagot n’yo ang katanungan kong ito. Maraming salamat!


Naghihintay,

Shiela

Sa iyo, Sheila,


Sa kuwento mo, mukhang namatay na nga ang kapatid n’yong abogado dahil ang sabi mo, inilibing na siya sa American Heroes Cemetery.


Be that as it may, ang panaginip ng kapatid mo ay nagpapaalala na ang mga namatay, sa totoo lang ay mga buhay pa. Mahirap paniwalaan ang katohahanang ito dahil ang isa pang wala ring kamatayan, isa pang bagay dito sa mundo ay mula noon at hanggang ngayon, buhay na buhay ang debate kung buhay nga ba ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na.


Para sa mga nakaranas na nakakita ng mga multo, siyempre, ang paniniwala nila ay buhay ang mga kaluluwa. Para sa mga hindi naniniwala, okey lang din na hindi sila naniniwala. Simple lang naman kasi kung paano maniniwala at bakit hindi naniniwala sa mga multo.


Alam mo, ang mga maniniwala sa una ay hindi rin naniniwala dahil ang patay ay patay na. Ang totoo nga, sila rin ay napakahigpit na nakikipaglaban na hindi totoo ang mga multo, pero nang masaksihan nila o maranasan ang pangyayaring may multo pala, naniwala na sila.


Kaya ganundin sa mga hindi pa naniniwala kapag nakaranas silang pinagmultahan, eh, ‘di sila na ang magtatanggol sa paniniwala na buhay pa ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na.


At dahil buhay pa sila, sa tuwing sila ay mapapanaginipan, may mga mensahe sila na para sa nanaginip na kadalasan ay nagsasabing “Huwag kang matakot, aking mahal, lakasan mo ang loob mo dahil palagi akong nakasubaybay sa iyo.” Pero bakit kaya ganu’n ang kanilang mensahe?


Dahil sa tuwing nananaginip ng tungkol sa namatay na mahal sa buhay, ang nanaginip sa mga araw o panahong ‘yun ay pinaniniwalaang pinanghihinaan ng loob, naduduwag at natakot sa mga pagsubok na kanyang kinakaharap.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page