ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 11, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Riza ng Pampanga.
Dear Maestra,
Madalas kong mapanaginipan ang silya. Napanaginipan ko na nakaupo ako sa rocking chair. Samantala, noong nakaraan ay napanaginipan ko na ang sarap ng pakiramdam ko habang nakaupo sa bagong biling silya ng kapatid ko.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Riza
Sa iyo, Riza,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakaupo ka sa rocking chair ay malapit ka na magkaroon ng anak na babae.
Samantala, ang nakaupo ka sa bagong biling silya at napakasarap ng pakiramdam mo ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa mga pinaplano mong gawin sa kasalukuyan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments