Pahiwatig na giginhawa, liligaya at makakapangasawa ng mayaman
- BULGAR
- May 10, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 10, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norman ng Zambales.
Dear Maestra,
Shout out sa inyong lahat d’yan sa BULGAR.
Napanaginipan ko na naghihiwa ako ng karne ng baboy sa kusina namin nang may dumaan na pusa sa harapan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norman
Sa iyo, Norman,
Ang panaginip mo na naghihiwa ka ng karne ng baboy ay nagpapahiwatig na makakapangasawa ka ng mayaman, kung saan magiging maginhawa ang pamumuhay niyo at liligaya kayo sa piling ng inyong mga anak.
Samantala, hindi maganda ang ipinahihiwatig ng may dumaang pusa sa harap mo. Ito ay nangangahulugang tatraydurin ka ng mahal mo sa buhay, gayundin ng iyong mga kaibigan at sisiraan ka nila.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments