top of page
Search
BULGAR

Pahiwatig na gamitin ang kalayaan sa pagpapayaman

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 25, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Kennent Joy na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na sumakay ako ng single na motor, tapos kung saan-saan ako pumunta. Ang ipinagtataka ko ay hindi naman ako marunong mag-drive ng motorcycle sa totoong buhay. Pero sa panaginip, ang bilis kong magpaandar sa high-way, tapos kapag nasa siyudad, mabagal lang na para akong namamasyal.

Pupunta sana ako sa lagpas sa Metro Manila, kaya lang, naubos na ‘yung fuel, tapos iniwanan ko na lang sa kalsada ‘yung motor ko, tapos nagising na ako.


Naghihintay,

Kennent Joy


Sa iyo, Kennent Joy,

Masasalamin sa panaginip na malaya nang nagagawa ng mga tao ang gusto nilang gawin o malaya nang napupuntahan ang kanilang gustong puntahan.

Isang malinaw na senyales ito na nawala na ang takot mo sa COVID-19, kaya kung sino pa ang unang aabante ang buhay, ang sagot ay lalamang ka sa isa sa mga ito.

Totoong sa panaginip, hindi naman kinakitaan ng tungkol sa trabaho o kabuhayan, pero ang pagiging malaya ng tao ang paunang palatandaan na siya ay magtatagumpay sa anumang larangan na kanyang gustong tutukan.

Kalayaan ang susi ng tagumpay. Ang kawalan ng kalayaan naman ay susi rin, pero susi ng kalungkutan at kawalan ng pagsulong ng personalidad at mismong buhay.

Malaya na ang tao dahil pumayag na ang mga awtoridad na maglakbay kahit saan, kaya ang payo, samantalahin mo ito para sa pagpapaunlad ng iyong buhay.

Sa una, dahil sabik ang mga tao, kung anu-ano ang kanilang ginagawa at kung saan-saan sila pupunta tulad ng nangyari sa panaginip mo, pero sa huli, may tututukan na silang aktibidad at para sa iyo, pagpapaganda ng kabuhayan ang iyong dapat pagkaabalahan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page