ni Imee Marcos - @Buking | June 29, 2020
Sangkaterbang seafarers o mga Pinoy na tripulante ang nagsisibalik sa bansa dahil sila mismo ay mga casualty rin sa kani-kanilang mga trabaho dulot ng pananalasa nitong COVID-19 sa buong mundo.
Kamakailan lang mga besh, mahigit 200 seafarers ang umuwi galing Hamburg, Germany sa inisyatibo na rin ng ilang manning agency. Halos matuliro na raw sa kakaisip ang mga nasabing seaman noong na-lockdown sila sa karagatan dahil sa COVID-19. Talagang nakakaawa naman!
Kaya mga friends, super-duper ang paghirit natin sa Department of Labor and Employment (DOLE) na sana naman ay bigyan sila ng ayuda, ‘yung iba ay humihingi ng tulong para makauwi ng probinsiya, gayundin ng pansamantalang ikabubuhay habang nasa Pilipinas. Hirit din nilang sagutin na ng pamahalaan ang mga gastos sa safety protocols para masigurong wala silang COVID-19.
Dapat pa bang sabihan ang ating gobyerno sa mga bagay na ganito, hindi na uy! Alam naman nating kabilang sila sa nagpapasok sa bansa ng mga dolyares na remittance. So, hindi na dapat i-memorize ‘yan na kailangan silang tulungan!
Request naman ng seafarers na papunta sa Germany at iba pang bansa kapalit ng mga umuwi nilang kasamahan, luwagan na rin ang restriksiyon ng kaunti sa pagbiyahe nila palabas ng bansa.
Remind ko lang sa ating pamahalaan na obligasyon nating mga nasa gobyerno na ayudahan ang ating mga OFW. Ano pang silbi na gawin silang mga bayani kung hindi man lang natin sila matulungan?
Malaking pera ang maiiambag ng mga papaalis na seafarers sa ating ekonomiya, kaya plis lang dapat palagi tayong full support sa kanila. Huwag naman nating menosin ang kanilang mga kontribusyon sa kabang-bayan lalo na ngayong may krisis!
Comments