top of page
Search
BULGAR

Pagtulong sa libu-libong biktima ng oil spill, bilisan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 26, 2023



Nitong nakaraang linggo ay namahagi ang ating opisina ng tulong para sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.


Ayon sa isang public briefing ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa 32,661 pamilya o 151,463 katao ang naapektuhan ng oil spill na naganap noong Pebrero 28.


Kaya agad tayong nagpadala ng 1,200 sako ng bigas sa probinsya para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga kababayan du’n.


Tatlong daang sako ng bigas ang ating ipinaabot kay Gov. Humerlito Dolor ng Oriental Mindoro at tig-100 sako naman sa mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.


☻☻☻


Umaasa rin tayo na patuloy ang mabilis na pagkilos ng ating pamahalaan para malinis agad ang oil spill at mabigyan ng ayuda ang mga apektadong mamamayan.


Isa sa mga magandang programa ng pamahalaan ay ang “cash-for-work” program ng DSWD para sa mga apektadong mangingisda.


Sinabi ng ahensya na naglaan sila ng P116 milyon para mabigyan ang 18,762 na mangingisda ng alternatibong pagkukuhanan ng kabuhayan habang hindi pa sila makapangisda sa mga lugar na apektado ng oil spill.


Bukod sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga mangingisda, makakatulong din sila para pigilan ang pagkalat ng oil spill sa kanilang lugar.


☻☻☻


Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig ng Bicameral Conference Committee para sa ating isinusulong na Cultural Mapping Bill.


Mahalaga ang cultural mapping para maprotektahan at maingatan ang ating kultura, lalo na ang kultura ng ating mga indigenous people.


Bilang co-sponsor ng panukalang-batas na ito, patuloy natin itong tututukan hanggang tuluyan na maging batas.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page