top of page
Search

Pagtatalaga ni P-BBM kay MIAA GM Ines palpak, NAIA pinamumugaran na ng mga surot, daga at ipis

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 4, 2024


NAIA, PINAMUMUGARAN NA NG MGA SUROT, DAGA AT IPIS, PATUNAY ‘YAN NA PALPAK ANG PAGTALAGA NI P-BBM KAY MIAA GM INES -- Hindi lang pala sangkatutak na surot mayroon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), pati sangkaterbang daga at ipis.


Patunay ‘yan na palpak ang pagtalaga ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines, kasi tila pakuya-kuyakoy lang ito sa kanyang tanggapan, kaya hindi niya alam na ang international airport ng ‘Pinas na NAIA ay pinamumugaran na ng mga surot, daga at ipis, buset!

◘◘◘


ONLI IN DA ‘PINAS LANG, INTERNATIONAL AIRPORT NA NAIA MAY MGA SUROT NA, MGA DAGA AT IPIS PA -- Ang nababalita lang sa ibang international airport sa mundo ay mayroong mga surot, pero walang daga at ipis.


Onli in da ‘Pinas lang na ang international airport na NAIA ay sangkatutak ang surot, may sangkaterba pang ipis at daga, boom!


◘◘◘


SEN. ALAN CAYETANO AT MANNY PACQUIAO, KAPAG NAGSAMA SA SENADO BAKA MAGPALIGSAHAN SA NUMERO UNONG ABSENERO SA SENADO -- Ang dating numero unong absenero sa Senado ay si former Sen. Manny Pacquiao na nakapagtala ng 12 absent mula July 23, 2018 hanggang July 4, 2019, at ngayon nga ay si Sen. Alan Cayetano ang numero uno nang absenero na nakapagtala ng 18 absent mula July 24, 2023 hanggang July 21, 2024.


Kung pagbabasehan ang mga lumabas na 2025 senatorial survey ay malaki ang posibilidad na maging senador uli si Pacquiao kasi lagi siyang pasok sa top 12 sa pagka-senador.


Kaya sakaling manalong senador uli si Pacquiao ay asahan nang magpapaligsahan sila ni Sen. Alan sa trono bilang numero unong absenero sa Senado, abangan!


◘◘◘


DAPAT PANGALANAN ANG MGA ARTISTANG ‘ADIK’ PARA MALAMAN NG KANILANG TAGAHANGA NA ANG KANILANG MGA INIIDOLO, MGA SUGAPA PALA SA DROGA -- Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pangalan ng mga artistang ikinanta ng nahuli nilang bigtime drug pusher, na mga parokyano raw nito sa kanyang ibinebentang cocaine at ecstasy.


Sana, isapubliko ng NBI ang name ng mga ‘adik’ na artista para malaman ng kanilang mga tagahanga na ang iniidolo nilang actress at actor ay mga sugapa pala sa droga, boom!

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page