top of page
Search
BULGAR

Pagtatae, pagsusuka na may kasamang pananakit ng kalamnan at tiyan, sintomas ng gastroenteritis

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | August 16, 2020




Dear Doc. Shane


Kapag ba nakaranas ng pagtatae at may kasamang pagsusuka, ibig sabihin ito ay may “gastroenteritis” na? Ano ba ang sintomas at sanhi nito? – Luis


Sagot


Ang gastroenteritis ay ang pamamaga ng tiyan at mga bituka. Ito ay tumutukoy din sa stomach flu. Kapag nakararanas ng diarrhea o pagtatae at nasusuka, puwedeng masabi na may stomach flu ang pasyente. Maaaring gumaling sa sakit na ito nang walang anumang komplikasyon, maliban na lamang kung ang pasyente ay dehydrated na.


Samantala, ang pinakasanhi nito ay virus — ang pangunahing virus ay rotavirus at norovirus. Food-borne disease rin ito, ibig sabihin ay nakukuha ang sakit sa mga pagkain at inumin.


Ang virus ay maaaring makuha ng pasyente sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Kontaminadong tubig at pagkain.

  • Hindi nalinisang mga kamay matapos gumamit ng palikuran.

  • Pagkakaroon ng contact sa taong may virus.

Sintomas ng gastroenteritis:

  • Pagtatae

  • Pagsusuka

  • Pagkahilo

  • Dehydration

  • Pananakit ng ulo

  • Pananakit ng kalamnan

  • Pananakit ng tiyan

  • Sobrang pagkauhaw

  • Hindi madalas na pag-ihi

  • Matingkad na kulay ng ihi

  • Pagkatuyo ng balat at mga labi

  • Mataas na lagnat

  • Pangangalumata


Tandaan: Iwasang mag-self-medicate o magdesisyon nang basta sa ipaiinom na gamot para sa sakit. Kumunsulta sa doktor (gastroenterologist) upang matiyak ang mga bagay na kailangan gawin sa pasyente.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page