top of page
Search
BULGAR

Pagtanggal sa quarantine classifications, inihihirit


ni Lolet Abania | June 21, 2021



Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagtatanggal ng community quarantine classifications upang bigyan ang mga lokal na opisyal ng malawak na deskripsiyon sa pagpapatupad ng anti- COVID-19 measures, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa regular na media briefing, kinumpirma ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang report na pinag-iisipan na ng gobyerno ang pag-aalis ng COVID-19 quarantine classifications sa hinaharap.


“That’s the long-term goal. That’s not going to happen now or next month,” ani Vergeire. “We’re discussing it because we want to have safeguards in place so that we can avoid the risk of having further transmission.”


Sa hiwalay naman na media interview, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na magiging posible lamang ang pagtatapos ng quarantine classification system kapag nakamit na ng bansa ang tinatawag na herd immunity, kung saan kailangang 70% ng populasyon ay nabakunahan na.


Gayundin, sinabi ni Densing na maraming mga governors ang humihiling na bigyan sila ng mas maraming pribilehiyo para magpatupad ng granular lockdown.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page