ni Lolet Abania | July 8, 2021
Hindi sang-ayon si Chief Justice Alexander Gesmundo sa naging panukala ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil sa pag-abolish ng bar exams at iba pang katulad nito.
“I don’t see the need to abolish the bar exam. We must continue having the bar exam,” ani Gesmundo sa isang interview ngayong Huwebes.
“I respect the view of Secretary Bello but as far as the practice of law, I think we should maintain the bar examinations so that we can sift those who are competent, considering the nature of the legal profession… The legal profession is vested with public interest,” paliwanag ng chief justice.
Giit ni Gesmundo, kinakailangang masiguro na iyon lamang may kakayahan ang papayagang makapasok sa legal profession at maisagawa ang kanilang tungkulin.
“Aside from the tradition, it is important that we make sure that those who join the legal profession are competent, that they can perform their duties as lawyers, not only to the court but also to their clients and to society as a whole,” sabi ni Gesmundo.
“So the qualifying exam for legal professionals should be therein continued,” diin pa niya.
Ayon kay Gesmundo, ang legal na basehan hinggil sa pagkuha ng mandatory bar exams para sa mga nagnanais na maging abogado ay nakapaloob sa Rules of Court.
Nitong Miyerkules, iminungkahi ni Bello na alisin na ang licensure exams para sa mga nurse, bar exams sa mga lawyers at iba pa dahil aniya sa mataas na gastusin sa pag-aaral at nadaragdagan pa ng pagkuha ng board exams.
Ipinunto rin ni Bello na basta ang isang estudyante ay graduate mula sa isang institusyon na accredited ng Commission on Higher Education (CHED), hindi na kailangan pang kumuha ng licensure exams.
Pinalagan din ng Philippine Nurses Association (PNA) ang panukalang ito ni Bello.
Komentarze