top of page
Search
BULGAR

Pagtanggal ng mga visual aids sa klasrum, pag-aralan muna

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 3, 2023


Noong nakaraang linggo ay balik-eskwela na ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Ngunit marami ang nagulat dahil tila nawala na ang mga dekorasyon at mga visual aids na karaniwang nakikita sa mga silid-aralan.

Naglabas kasi ang Department of Education (DepEd) ng isang order na inoobliga ang lahat ng eskwelahan na linisin ang dingding ng mga school grounds at classroom, at tanggalin ang anumang “unnecessary artwork, decorations, tarpaulin and posters.”

☻☻☻


Sa tingin ko, puwede pa ring i-reconsider ang visual aids, pero mas standardized na ito at rationalized based sa bawat grade level.

Malaking bagay ang visual aids sa mga batang estudyante dahil ‘yung mga complex na aralin ay madaling naiintindihan kung may charts, graphs, pictures at illustrations.

Siguro maganda ring ikonsidera ng DepEd ang paggawa ng isang special committee na pag-aaralan kung anong mga visual tools ang akma at maaaring ilagay sa mga classrooms.

Kung kaya naman nito, DepEd na ang gumawa at mamahagi ng omnibus visual aids sa mga paaralan para standardized na sa lahat ng classrooms.

Since magiging standardized ito, bawat classroom ay may angkop na content depende sa track, grade level or laboratory.


☻☻☻

Naiintindihan natin na kaya inilabas ng DepEd ang utos na ito ay dahil gusto nito na mag-focus ang mga estudyante sa kanilang mga aralin.

Ngunit hindi naman pareho-pareho ang pangangailangan ng lahat ng mag-aaral.

Malaking bagay ang mga visual aids para sa mga visual learners na mas naiintindihan ang mga lessons sa tulong ng mga larawan.

Kaya naman hinihimok natin ang DepEd na balikan at pag-aralan nang mabuti ang utos na ito at magdesisyon ng angkop sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page