ni Lolet Abania | October 10, 2021
Labis ang suporta ng aktres na si KC Concepcion sa kanyang stepdad na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na tatakbo sa pagka-bise presidente sa May 2022 elections.
Sa official Instagram page ni KC, sinabi nito na ang desisyon ni Sen. Kiko na tumakbo para sa ikalawa sa pinakamataas na executive position sa bansa ay pinakamalaking hakbangin na tatahakin ng kanilang pamilya.
“Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet,” ani KC.
“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength,” dagdag ng dalaga.
Nai-share din ni KC, na anak ng aktor na si Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta na asawa naman ni Pangilinan, sa kanyang followers ang brief profile ng stepdad, kung saan aniya ay qualified sa posisyon para maging bise presidente.
“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator,” pagmamalaki ni KC.
“You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita,” sabi pa ng aktres.
Gayunman, sa kabila na magkalayo ngayon ang dalawa, labis naman ang pasalamat ni Pangilinan kay KC sa suportang ibinibigay nito.
“Thank you for the love and support, my eldest. It means so much. God’s purpose not mine. We surrender the effort to the Almighty. The battle is His. Love you too,” ani Pangilinan.
Nagpahayag din ng suporta si Megastar Sharon sa political plans ng kanyang asawang senador.
Batid ng lahat na very vocal si KC, kung paano naging mabuting ama sa kanya si Pangilinan lalo na noong growing up years ng aktres hanggang sa ngayon.
Sa mga nauna nang post ni KC, binanggit din niyang dahil sa senador, “…that I have a thirst for knowledge, am able to focus on and accomplish goals at work, achieve things with the courage that I can, with hard work, patience, and most especially the constant act of educating myself.”
“Together with all that mom and my grandparents instilled in me I want to thank you for helping to make me, me, in more ways than one,” sabi pa ni KC.
Comentários