ni Angela Fernando @News | September 5, 2024
Bumagal ang inflation rate ng bigas nu'ng Agosto dahil sa pinagsamang epekto ng basehan at pagbaba ng taripa sa mga imported na bigas sa nasabing panahon, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.
Sa isang press conference, sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang implasyon ng bigas sa 14.7% nu'ng nakaraang buwan mula sa 20.9% nu'ng Hulyo.
Ayon kay Mapa, ito ang pinakamabagal na antas ng implasyon para sa pangunahing pagkain ng mga Pinoy mula nu'ng Oktubre 2023, nang umabot ito sa 13.2%. Ang pagbagal ng implasyon ng bigas nu'ng Agosto ay tugma sa inaasahan ng PSA na magsisimula itong bumaba sa second half ng 2024 dahil sa mga epekto ng basehan, partikular nu'ng nagsimula ang pagtaas ng presyo nu'ng Agosto 2023, pati na rin ang epekto ng mas mababang taripa sa inaangkat na bigas na ipinatupad nu'ng Hulyo.
Comentarios