top of page
Search
BULGAR

Pagsusuot ng face mask, mananatili — P-Duterte

ni Jasmin Joy Evangelista | March 22, 2022



Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi pa umano handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagtatanggal ng facemask lalo na sa mga enclosed public places.


“The numbers are very low compared to the population. Itong mask, maraming nagtatanong, alam mo I am not ready to order the removal of the mask,” pahayag niya sa recorded public address na inere ngayong Martes.


Aniya, nariyan pa rin ang COVID-19 pandemic at posible pang magtagal dahil sa mga bagong variant na nade-detect sa ibang bansa, na posibleng makarating din sa Pilipinas.


“Matagal pa ito [pandemic]. Reports say na may bagong COVID variant found in Israel. So whether we like it or not, kung totoo ‘yan, it will reach again the shores of our country,” ani Duterte.


Sinabi rin niya sa kongreso na huwag galawin ang Bayanihan law, dahil ito ay ginawa para sa posibleng surges ng COVID-19 sa hinaharap.


“Sana ‘wag na lang galawin ng Congress. If you want to legislate it, so be it but ‘wag galawin ‘yan kasi that is in preparation for another surge of another variant,” pahayag pa ng pangulo.


“Nagmu-mutate itong monster na ito at hindi natin malaman kung ano talaga ang katapusan nito. I guess it would be there or here for the longest time,” dagdag pa niya.


Nauna nang sinabi ng Department of Health na sa lahat ng health measures na kanilang ipinatupad upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus, ang pagtatanggal ng face mask ang kahuli-hulihan nilang ipatutupad.

0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page