ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | December 16, 2020
Usapang kalikasan tayo, mga beshy. Nakapagtataka ang mga opisyal sa DENR kung bakit tila give-up na sila sa pagpoprotekta sa mga watershed. ‘Kalokah!
Kamakailan, sa isang pagdinig ng Senado hinggil sa nagdaang mga pagbaha, maging mga kapwa natin senador ay napataas ang kilay. Biruin n’yo ba namang aminin ng DENR na hindi rin daw kayang pigilan ng mga puno at halaman na nakapalibot sa mga watershed ang pagbaha?
Hindi akes makapaniwala na mismong taga-DENR ang tila hopeless na maisalba ang ating mga nasisirang watershed? ‘Wag naman, Secretary Roy Cimatu, plis lang!
IMEEsolusyon natin d’yan, Secretary, eh, medyo gising-gisingin ang mga tauhan natin at nakatalagang opisyal ng DENR sa bawat rehiyon at direktang makipag-ugnayan sa mga LGUs.
Ito’y para naman makahingi rin sila ng tulong sa LGUs at mga residente na magpahalaga sa mga tanim at sa ating Inang Kalikasan. ‘Yung tipong ibabalik natin ang partisipasyon ng bawat mamamayan sa pagsusulong ng Green Revolution. Buhayin natin ‘yan para na rin sa proteksiyon ng mga dam na siyang pinagkukunan natin ng tubig.
Magtanim na ulit tayo, at pinakamahalaga sa lahat, simulan na natin agad. Hindi bukas o sa mga susunod na araw kundi ngayon!
‘Di nga ba at nauuso ang mga Plantito at Plantita nitong panahon ng lockdown at quarantine? Green revolution pa more!
IMEEsolusyon din d’yan, if ever naman na kaya ng budget, eh, mamigay na ng mga seedlings tulad ng ginagawa ng ating tanggapan. Namamahagi tayo ng mga pananim na malunggay sa iba’ ibang barangay sa Metro Manila at ilang probinsiya. ‘Yung ganyang tipo, ‘di ba?
Basta, Secretary Cimatu, ‘wag kang susuko. Keri natin ‘yan! Huwag natin paabutin ang panahon na ang mga ibon ay wala nang punong madadapuan. Kawawa ang mga susunod nating henerasyon.
Panawagan din sa bawat lokalidad, plis, makisali tayo sa pagtatanim ng mga puno. Marami nang bundok ang nakakalbo, palitan natin ng mga bagong pananim. Green revolution na! Now na!
Comments