ni Thea Janica Teh | August 11, 2020
Hindi umano hinihikayat ng Department of Education na magsuot ng uniform ang mga estudyante sa public school na papasok sa online class.
Ito ay nilinaw ni DepEd Undersecretary Anne Sevilla matapos magkaroon ng report tungkol sa pagsuot ng uniform o appropriate clothing habang nasa online class para maiwasan ang bullying.
Aniya, hindi umano required sa public school learners sa distance learning ang pagsuot ng uniform.
Sa inilabas na ordinansa ng DepEd noong 2010, nilalaman dito na hindi inire-require sa mga estudyante ang pagsuot ng uniform. Dagdag pa ni Sevilla, ang mga estudyanteng may uniform na ay maaari itong suotin kung kanilang gugustuhin.
Inaasahan na magsisimula na ang klase ngayong darating na August 24 kung saan nag-aalok ang DepEd ng distance learning kasama ang digital modules, online classes, television at radio.
Comments