top of page
Search
BULGAR

Pagsumite ng ACOP ng mga pensioner, extended hanggang Hunyo 30 – SSS

ni Lolet Abania | April 1, 2022



Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang deadline para sa pagsusumite ng Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) mula Marso 31 ay ginawang Hunyo 30, 2022.


Sa isang interview ngayong Biyernes kay SSS spokesperson at Vice President for Public Affairs and Special Events Division Fernan Nicolas, sinabi nitong ipinag-utos na ni SSS President Michael Regino ang extension ng pagsumite ng ACOP.


“Pinag-utos po ng ating presidente ng SSS na si Michael Regino na i-extend po natin ‘yung deadline doon sa ACOP,” saad ni Nicolas.


Inire-require ng SSS sa mga pensioners ang pagsusumite ng ACOP para i-update ang kanilang mga personal na impormasyon at kondisyon. Ang mga pensioners ay kailangang mag-fill up ng isang form at ipadala ito na may kasamang isang larawan, habang may hawak na isang diyaryo na may kasalukuyang petsa.


Ayon kay Nicolas, maaari nilang ipadala ang kanilang ACOP sa mga SSS branches o sa pamamagitan ng pag-email sa kanila.


Sa isang statement nitong Huwebes, sinabi ng SSS na ang naturang ekstensyon ay para sa mga ACOP ng calendar year 2021.


Ayon kay Regino, layon ng pagpapalawig ng ACOP na makapagbigay sa mga nasabing pensioners ng sapat pang panahon para maka-comply sa itinakdang requirement upang maiwasan ang suspensyon ng kanilang buwanang pensyon.


“Originally, we have given covered pensioners a period of six months from October 1 last year to comply with the ACOP for the calendar year 2021,” sabi ni Regino.


“But in view of the restrictions that were implemented at some point earlier this year due to the Omicron variant along with other considerations, we decided to extend the deadline for another three months or until June 30,” dagdag ni Regino.


Sakop ng ACOP ng SSS ang mga sumusunod na klase ng pensioner:


• survivor pensioners (receiving pensions through Death Benefit)

• total disability pensioners

• guardians and their dependents

• retirement pensioners residing abroad


Gayunman, ayon sa SSS, ang mga retirement pensioners na residente ng Pilipinas, ay nananatiling exempted mula sa pag-comply ng ACOP.


Hinimok naman ni Regino ang mga hindi pa nakapag-submit ng kanilang ACOP na gawin na ito bago pa magtapos ang deadline.


“We urge those who have not yet complied with the program to submit their compliance immediately for them to not miss the new deadline. We have various methods for compliance that we developed with the utmost consideration for their safety and convenience,” paliwanag pa ni Regino.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page