top of page
Search
BULGAR

Pagsulpot ng mga community pantry, sobrang nice!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 21, 2021



Sa gitna ng matinding kagutuman dahil sa mga serye ng mga community quarantine, umusbong na ang maraming community pantry na nagsimula sa Quezon City, sinundan pa sa Pasig City, Batangas at sa iba’t ibang lugar.


Bayanihan ito at donasyon ng iba’t ibang pribadong indibidwal o grupo kung saan puwedeng manghingi ang sinumang nagigipit at nagugutom nating mga kababayan. May mga kamote, mais, gulay at kung anu-ano pa, at pinakahuli, pati nga condom ay nakita nating ipinamamahagi na!


Patunay lang ito na tayong mga Pinoy, kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa habang nasa gitna tayo ng krisis dulot ng pandemya, ‘di ba?


Sa ating bahagi naman, may IMEEsolusyon din para sa ating mga kababayan ang pagpapaikot ng #IMEEkadiwa sa iba’t ibang mahihirap na lugar kung saan makakabili ng mura at may diskuwentong pagkain at iba pang essentials.


IMEEsolusyon din natin para sa kahirapan ang #IMEElunggay sa may kahit kaunting lupa o lugar para pasu-pasong magtanim ng sariling pagkain, ang masustansiyang malunggay — kapag dumami ito at makakagawa ng malunggay powder at oil ay puwede nang pagkakakitaan ng mga nanay.


Meron din tayong #IMEEtrabaho, kung saan may mapapasukang libu-libong trabaho sa iba’t ibang kumpanya — mula sa janitor hanggang sa mga propesyunal.


Habang tayo’y buhay at may tiwala sa Diyos, may pag-asa. Community pantry man o anumang magagawang pagbabayanihan sa kapwa, #IMEEsolusyon ang bawat isa sa atin na labanan ang COVID-19!


‘Ika nga, isa para sa lahat, lahat para sa isa. Ang kakulangan ng iba, punan natin at gawan ng paraan. Walang bagay na hindi natin kaya basta tayo’y sasama-samang nagtutulungan at nagkakaisa! ‘Yan ang lahing Pinoy!

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page