top of page
Search
BULGAR

Pagsu-swab test ng sarili, bawal — DOH


ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 27, 2021



Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na hindi dapat magsagawa ng self-swabbing ang sinuman upang hindi maging kaduda-duda ang resulta nito.


Pahayag ni Secretary Francisco Duque, "Meron tayong mga panuntunan o pamantayan para gawin 'yan. Hindi puwedeng sarili ninyong gagawin 'yan dahil unang-una, 'yung resulta, magiging kuwestiyonable.


"Dahil kung hindi naman ito naaayon sa mga tamang pamantayan, eh, kaduda-duda ang mga resulta. So, hindi natin dapat ginagawa 'yun.”


Samantala, matatandaang kamakailan ay nag-post ang aktor na si Robin Padilla sa social media ng video kung saan makikitang nag-self-swabbing siya dahil wala pa umano ang nurse na nakatakdang magsagawa nito.


Aniya pa, “6 ng umaga mag-uumpisa na kami ng trabaho pero wala pa ang nurse. Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang COVID test.


“Basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha ka na, tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo, ‘yun na raw ‘yun.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page