top of page
Search
BULGAR

Pagseserbisyo sa kapwa Pilipino sa kahit saang sulok ng bansa

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Marso 6, 2024

 

Mula nang mag-umpisa tayong magtrabaho sa gobyerno at hanggang ngayon na senador na ako ay patuloy na pinaninindigan po natin ang ating mithiin sa ating mga kababayang Pilipino -- lalo na ang mga mahihirap, hopeless, helpless at walang malalapitan maliban sa pamahalaan -- na kahit nasaang sulok kayo ng Pilipinas, tutulong ako sa abot ng aking makakaya basta kaya ng aking katawan at panahon. 


Umabot na ako ng Batanes, Aparri hanggang Jolo; inabutan din tayo ng lindol, putok ng bulkan, buhawi, bagyo, baha, sunog at sinisikap naming makatulong sa abot ng aming makakaya para rin makapag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati. Sa katunayan, nagsagawa kami ng serye ng pamamahagi ng tulong para sa 2,377 residente sa malayong isla ng Calayan Island sa Cagayan mula February 29 hanggang March 1.


Importante rin para sa atin bilang tayo ang Chair ng Senate Committee on Health na mailapit ang serbisyong medikal sa mga malalayong lugar sa bansa. Pinasinayaan na noong February 29 ang Besao District Hospital sa Besao, Mountain Province, isang proyektong napondohan sa ating pamamagitan bilang tayo rin ang Vice Chair ng Finance Committee. Kapag naitayo ay hindi na bibiyahe pa ang mga taga-Besao kapag kinailangan nilang magpaospital lalo na ang mga nasa kanayunan at maging ang kanilang mga karatig-lugar. Kasabay nito ay nagkaroon na rin ng groundbreaking ang itatayong Besao Super Health Center kung saan puwede silang agad magpakonsulta, manganak, iba pang emergency at pangunahing serbisyong medikal. Paraan ito para ilapit ang gobyerno sa tao lalo na pagdating sa kanilang kalusugan. 


Prayoridad natin ang kalusugan ng bawat Pilipino kaya patuloy rin tayo sa pagsiguro na maimplementa nang maayos ang Malasakit Centers Law. Brainchild natin ang programang ito at na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463, na tayo ang principal author at sponsor sa Senado. Sa datos ng DOH ay mayroon na tayo ngayong 159 Malasakit Center sa buong bansa at nahatiran na ng serbisyo ang mahigit 10 milyong Pilipino. 


Kaya ineengganyo ko ang lahat na kung kailangan ninyo ng tulong medikal ay lumapit lang kayo sa alinmang Malasakit Center na malapit sa inyo dahil para sa inyo iyan.


Lapitan n’yo lang ang Malasakit Center dahil para ito sa mga mahihirap at indigent Filipinos. Ingatan natin ang ating kalusugan. Laging tandaan na ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino.


Sa ilalim naman ng RA 11959 na tayo ang principal sponsor at isa sa may akda, itinatayo ang Regional Specialty Centers sa mga existing DOH regional hospitals sa buong bansa.


Hindi na rin kailangang bumiyahe ng mga pasyenteng may kanser, sakit sa puso, kidney baga, at iba pang karamdaman mula sa malalayong lugar patungo sa Metro Manila para magpagamot sa specialty hospitals. 


Walang malayo o malapit sa ating paghahatid ng serbisyo. Kahapon, March 5, ay nasa Quezon province tayo kasama sina Governor Dra. Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Tayabas City Mayor Lovely Reynoso Pontioso, Vice Mayor Rosauro Quivido Dalida at iba pang mga opisyal, at sinaksihan ang groundbreaking ng itatayong Medical Arts Center building sa Southern Luzon Multispecialty Medical Center, isang ospital ng DOH.


Tayo rin ang principal sponsor ng RA 11702, o ang batas na naglalayong maipatayo ang ospital na ito. 


Matapos ito ay pinuntahan natin ang 200 na benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng gobyerno sa Quezon Convention Center. Nagbigay rin ang aking tanggapan ng dagdag na tulong sa kanila. Dumalo rin tayo sa ginanap na Sports Clinic sa Alcala Sports Complex sa Lucena City na inorganisa ng provincial government sa pangunguna ni Gov. Helen Tan, Mayor Mark Don Victor Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala. Ang proyekto ay inisponsoran ng Philippine Sports Commission sa ating pamamagitan bilang Chair ng Senate Committee on Sports.


Bahagi rin ng aking paghahatid ng serbisyo kahit saang sulok ng bansa ang pagpapalaganap ng sports lalo na sa grassroots. Lagi kong hinihikayat ang mga komunidad na maglunsad at sumuporta sa mga sports programs. Ang sports ay paraan upang i-promote ang camaraderie, sportsmanship at disiplina sa mga kabataan habang mabisang panlaban rin ito kontra sa masasamang bisyo tulad ng ilegal na droga. Kaya madalas kong ipayo sa mga kabataan, to get into sports and stay away from drugs, to keep healthy and physically fit.


Nakapaghatid din ang aking Malasakit Team ng tulong para sa mga naging biktima ng magkakahiwalay na insidente ng sunog gaya ng 55 residente ng Brgy. Balabag, Boracay Island, Aklan; 80 sa Brgy. Dadiangas West, General Santos City; 48 sa Brgy. Central, Mati City; at 31 pa sa Brgy. San Jose at Brgy. Dela Paz sa Antipolo City. 


Natulungan natin ang 214 nawalan ng hanapbuhay sa Damulog, Bukidnon, na nabigyan naman ng DOLE ng pansamantalang trabaho. Nagbigay rin tayo ng dagdag na suporta sa 150 TESDA graduates katuwang ang Call Center Academy sa Lapu-Lapu City College.


Nagkaloob din tayo ng suporta sa ginanap na Provincial SK Federation Laguna Chapter-Leadership Congress sa imbitasyon ni Provincial Federation President Bhenj Felismino kung saan 681 SK presidents ang dumalo.


Isang malaking karangalan para sa akin bilang Mr. Malasakit na makapaglingkod sa inyong lahat dahil ang tangi kong bisyo ay ang magserbisyo. Ang aking paglapit sa inyo nasaan man kayo sa ating bansa ay isang patunay ng aking taos-pusong hangarin na kayo ay matulungan sa abot ng aking makakaya -- nasaan man kayong sulok ng bansa. 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page