top of page
Search
BULGAR

Pagsasanay sa TESDA ng mga manggagawa sa Marawi, may ayuda ng Holcim Philippines

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 23, 2021




Hello, Bulgarians! Halos 500 kabahayan para sa mga pamilya na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City ang naipatayo bilang bahagi ng programa para sa rehabilitasyon ng lungsod sa pakikipagtambalan ng nangungunang building solutions provider Holcim Philippines, Inc., United Nations Human Settlement Programme (UN-Habitat) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).


Sa pagtatapos ng Abril sa kasalukuyan, 491 sa kabuuang 1,057 pabahay na bahagi ng unang yugto ng programa ang isinasaayos at naipatayo na. Halos 72,000 supot ng Holcim Excel cement mula sa planta ng Holcim Philippines sa Lugait, Misamis Oriental ang nagamit sa proyekto. Nakahanda na rin ang karagdagang 85,000 supot ng Holcim Excel para magamit sa nasabing programa.


Kasama sa mga manggagawa ang mga mismong residente ng Marawi, kabilang ang 116 na sinamay ng TESDA, sa pamamagitan ng Holcim Philippines ‘Galing Mason’ program. Ang ipinagkaloob na sertipiko sa ‘masonry skills’ ng TESDA ay magagamit din ng mga residente sa kanilang hanap-buhay maging sa abroad.


“We are pleased that this partnership project with the UN-Habitat is progressing well and helping the City of Marawi rise again. This wonderful update is a welcome development as we join the nation for the celebration of Eid al-Fitr. The continued recovery of Marawi is a testament to the resilience of Filipinos, and shows how our products are making a difference in the lives of our countrymen and the progress of the nation,” pahayag ni Holcim Philippines Vice President for Communications Cara Ramirez.


“Eid Mubarak to our Muslim brothers and sisters! The Rebuilding Marawi Project, funded by the People of Japan, is steadily moving forward towards its goal of providing permanent houses to 1,057 families affected by the 2017 Marawi Siege. The ongoing permanent shelter construction in four resettlement sites and the turnover of Hadiya Village to 109 families are project milestones made possible by various partnerships forged along the course of project implementation. UN-Habitat is grateful for the strong partnership it has built with Holcim Philippines – access to cement is one major aspect of the partnership that kept the construction of houses unhampered amidst the mobility restrictions posed by Covid-19 pandemic,” tugon ni UN-Habitat Country Programme Manager Christopher Rollo.


Ang proyekto ay bahagi ng sama-samang pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor para maibangon ang Marawi na lubhang nasalanta sa naganap na kaguluhan na nakaapekto sa halos 80,000 pamilya. Bukod sa UN-Habitat at TESDA, nahagi rin ng projekto ang Government of Japan, Task Force Bangon Marawi, at ang Department of Human Settlements and Urban Development.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page