Pagsalakay ng Hamas, 'di rason para parusahan lahat ng Palestino — Guterres
- BULGAR
- Nov 13, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | November 13, 2023

Nagbigay ng pahayag nitong Linggo si UN Secretary-General Antonio Guterres ukol sa lumalalang pag-atake ng Israel sa Gaza at sinabing hindi rason ang naging pag-salakay ng Hamas para kolektibong parusahan ng kalabang bansa ang mga Palestino.
Saad ni Guterres, "You cannot use the horrific things that Hamas did as a reason for collective punishment of the Palestinian people."
Aniya, 101 na UN personnel ang namatay sa nangyayaring karahasan ng Israel bilang tugon sa naging pag-atake ng Hamas nu'ng Oktubre 7.
תגובות