top of page
Search
BULGAR

Pagsabog ng Bulkang Taal, posibleng magdulot ng sakit – DOH

ni Lolet Abania | March 26, 2022



Nag-isyu na ang Department of Health (DOH) ng public health advisories hinggil sa sulfur dioxide emissions at ashfall na nagmumula sa Bulkang Taal, kung saan isinailalim na rin sa Alert Level 3 matapos ang tinatawag na “short-lived phreatomagmatic burst” o pagsabog nito ngayong umaga ng Sabado.


Paliwanag ng DOH, ang sulfur dioxide ay isang colorless toxic gas na maaaring magdulot ng sakit sa respiratory system ng isang indibidwal at makaranas ng hirap sa paghinga.

Ang isang tao ay maaaring ma-exposed sa sulfur dioxide sa pamamagitan ng paghinga at pagsinghot nito o magkaroon ng skin contact.


Batay sa advisories ng DOH, pinapayuhan ang mga apektadong residente na:


• avoid unnecessary trips out of the house

• close doors and windows, most especially if you are living near the Taal Volcano caldera, and

• always wear a facemask, protective gear for the eyes, and coverings for the skin.


Gayunman, sakaling ma-exposed sa sulfur dioxide ang isang indibidwal, pinapayuhan ng DOH na agad kontakin ang mga poison control centers o mga ospital na malapit sa lugar.


Nagbabala rin ang DOH sa mga locals sa epekto ng ashfall na nanggagaling sa Taal Volcano.


Ayon sa DOH, “falling ash may cause health problems, and anyone suffering from bronchitis, emphysema, or asthma should avoid exposure to volcanic ash.”

0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page