ni Lolet Abania | July 13, 2020
Malakas na pagsabog ang naganap sa Barangay Meta sa Datu Unsay, Maguindanao, bandang alas-2:25 ng hapon, kanina.
Sa inisyal na report ng Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang improvised explosive device ang sumabog malapit sa public market at military detachment ng Alpha Company ng Army's 57th Infantry Battalion.
Gayundin, ayon sa pulisya ang IED ay sumabog tatlong metro lamang ang layo sa highway.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasirang establisimyento, sabi pa ng pulisya.
Subalit ayon sa Western Mindanao Command, nakasakay ang tropa sa kanilang van nang sumabog ang IED. Sinabi ni spokesman Major Arvin Encinas, ang naturang IED ay tumama sa bubong ng sinasakyan ng mga sundalo.
Gayunman, sa report ng WestMinCom walang nasaktan sa insidente.
Comentarios