top of page
Search
BULGAR

Pagri-ready sa hiwalayan… Bebot, ‘di na dapat pang umasa sa manlolokong asawa

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 10, 2024


Dear Maestro,


May ibang babae ang mister ko, nais ko sanang malaman kung maghihiwalay ba kami? Sa ngayon, bihira na siyang umuwi kaya gusto ko ring malaman kung maaayos at magiging maligaya pa ba ang aming pamilya? Marami na akong hirap na dinadala, tapos lolokohin lang ako ang aking asawa. Kapag tuluyan kaming naghiwalay, kung paano ko mapapalaki nang maayos ang dalawa naming anak?


Ano sa palagay n’yo ang dapat kong gawin? Dapat din ba akong mag-asawa kung sakaling tuluyan na kaming iwanan ng mister ko? May pag-asa pa kaya akong lumigaya kung muli akong mag-aasawa upang may makatuwang naman ako sa buhay? Sana ay malaman ko agad ang sagot n’yo, paano nagawa ng aking asawa, ang mga kahayupang ito, gayung naging mabuting misis naman ako sa kanya.


Nagpapasalamat,Cristalmae ng Pototan, Binmaley, Pangasinan


Dear Cristalmae,


Ang dapat mong gawin para maibsan ang iyong nadaramang pag-aalala at kalungkutan ay umpisahan mo nang mag-move on. Tama, mas mainam kung huwag mo nang intindihin at isipin ang nambabae mong asawa. Sabi nga, “Hindi mo kayang baguhin ang ibang tao, pero ang sarili mo ay mas madali mong magagawang baguhin, at hindi lang baguhin, kundi paunlarin at paligayahin dahil sarili mong buhay ‘yan.” 


Habang hindi ka pa niya tuluyang hinihiwalayan, sanayin mo na ang iyong sarili na magtrabaho, kahit na online lang basta, mag-isip ka ng mapagkakakitaan, habang ikaw ay nasa bahay lang o mas maganda kung magtrabaho ka rin sa labas upang maiba naman ang iyong environment.Kaya tulad ng nasabi na, kailangan may sarili kang source of income upang kapag tuluyan kang iniwan ng iyong asawa ay hindi ka naman magmukhang kaawa-awa.


Pangalawa, kung patuloy siyang nag-iintriga habang may babae siya, kailangang itabi mo ang sobrang pera o kahit hindi sobra, kailangan matuto kang magtabi o magtipid nang sa gayun ay may panggastos ka habang naghahanap ng sariling pagkakakitaan.


Samantala, salamat, Cristalmae, dahil sa kasalukuyan ay hindi ka pa lubusang iniiwanan ng iyong asawa, pero nararamdaman mo na ngayon na parang du’n din mauuwi ang inyong relasyon.


Dahil dito, tulad ng nasabi na, ngayon palang ay maghanap at mag-isip ka na ng sariling pagkakakitaan upang mabuhay mong mag-isa ang iyong mga anak.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page