@Buti na lang may SSS | September 26, 2021
Dear SSS,
Magandang araw! Ano ang gagawin kung nakalimutan ko ang password sa aking My.SSS account? Salamat. – Linda ng Meycauayan, Bulacan
Sagot
Mabuting araw sa iyo, Linda!
Para sa iyong katanungan, kung nakalimutan ng miyembro ang kanyang password o kaya ang kanyang user ID, simple lamang ang kailangan niyang gawin. Magtungo siya saMy.SSS portal kung saan makikita sa “Member Login/Employer Login” ang “Forgot User ID or Password.” I-click mo ang “Forgot User ID or Password.”
Matapos nito, lalabas ang “Forgot User ID/Password?” at ilagay mo sa bahagi ng “CRN/SS Number” ang iyong Common Reference Number (CRN) na nakalagay sa iyong UMID card o kaya ay i-type mo ang iyong SS number.
Sunod, i-click mo ang “Submit” button. Ipadadala ang iyong user ID at password sa e-mail address na iyong ginamit upang magrehistro sa My.SSS. Kaya dapat aktibo pa rin ang e-mail address na inirehistro mo sa My.SSS, Linda.
Samantala, kung hindi na aktibo ang e-mail address o hindi na ito mabuksan ng miyembro, kinakailangan mo nang magpadala ng mensahe sa onlineserviceassistance@sss.gov.ph para humingi ng tulong na i-reset ang iyong user ID o password sa iyong My.SSS account.
Paalala rin naming sa iyo, Linda at sa ibang miyembro na huwag ipaaalam sa ibang tao ang user ID at password ninyo sa My.SSS upang hindi magamit ng ibang tao ang inyong account sa anumang fraudulent transactions o claims sa SSS.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”
Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.
Comments