ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 19, 2020
Dapat i-extend ng Meralco ang October 31 deadline sa pagbayad ng bills na nagkapatung-patong dahil sa pandemya.
Ngayong ilang buwan na lang at magpa-Pasko na, inaasahan natin ang pagkutitap ng maraming Christmas lights na siguradong makaka-dagdag sa ating bayarin sa kuryente.
Paano naman ang Pasko kung walang ilaw ang mga parol at Christmas tree?
Pero mukhang magiging super-sad ang marami nating kababayan, lalo na ang mga bata, kapag tuluyan nang naputol ang suplay nila ng kuryente dahil sa kawalan ng pambayad. Juskoday!
Hikahos pa rin kasi ang ating mga kababayan kaya hindi malayong maputulan na ng kuryente ang maraming pamamahay pagkatapos ng itinakdang deadline ng Meralco.
Saludo tayo sa Energy Regulatory Commission na nangakong ipapa-extend hanggang Dec. 31 ang deadline ng pamumutol.
Kapag nagkataon, magiging madilim ang pagsalubong ng karamihan ng mga mahihirap nating kababayan sa Bagong Taon, ‘wag naman sana. Imbes na Merry Christmas, magiging Dark Christmas pa! ‘Kaloka!
At paano naman ang mga mag-aaral sa kanilang online learning, ang mga walang trabahong magulang at naka-graduate na naghahanap ng work online, ang mga nag-o-online business, at ang mga doktor na nagseserbisyo sa pamamagitan ng online consultation?
Kung tutuusin, ang Meralco nga, eh, nagkamali ng paniningil. Over sila sa kalkulasyon ng siningil nila sa taumbayan at sila dapat ang magbigay ng mas mahabang ekstensiyon.
Anyway, don’t be hopeless kasi IMEEsolusyon tayo riyan. Inihihirit natin nga sa ERC, na i-extend pa more ang deadline. Beyond December 31 pa, kasi kung walang kuryente, disconnected din tayo sa inaasahang pag-ahon ng ating ekonomiya, ‘di ba?
Comentarios