top of page
Search
BULGAR

Pagpasok sa Olympics ni Esteban ikinarangal ng POC

ni MC @Sports | March 22, 2024





Matapos na hirangin na kakatawan para sa Olympics ang Pinay na si Maxine Isabel Esteban sa ilalim ng bansang Ivory Coast sa Paris sa Hulyo-Agosto ito naman ay malugod na ikinatuwa ng Philippine Olympic Committee (POC) at siya aniya ay dapat na ipagmalaki at ikarangal ng kanyang pinagmulang bansa, walang iba kundi ang Pilipinas.


“We in the POC are very happy that Maxine, our athlete, has qualified for the Paris Olympics,” saad ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino nitong Martes. “She may not be representing Team Philippines, but we are so happy for her. So Maxine, do your best to win the gold,” ayon sa opisyal.


Nasungkit ni Esteban, 23 at nagpalit ng fencing federation noong isang taon, ang lone women’s foil singles slot para sa Africa noong Linggo sa final Olympic qualifier sa Washington DC.


Kasunod nito ay pinasalamatan ng eskrimador si Tolentino sa pagpirma sa kanyang transfer sa Ivory Coast national Olympic committee. “I’d like to thank my parents and my entire family for their support and for those who helped to make sure the door would be always open for me to continue chasing my dreams, like POC president Abraham Tolentino, who chose to extend a helping hand when I needed it the most,” natutuwang pahayag ni Esteban.


Sinabi ni Tolentino na nagalak siya sa paglalaro ni Esteban sa ibang bansa. Pero naniniwala siyang Pinay pa rin ang manlalaro sa puso at kaluluwa.


Idaraos ang 33rd Summer Olympic Games 2024 sa July 26-August 11 na rito’y may anim ng atleta ang ‘Pinas sa ngayon na mga qualified. Sila ay sina Olympics returnees Ernest John ‘EJ’ Obiena (men’s pole vault), Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio (men’s at women’s boxing) at Carlos Yulo (gymnastics) at first-timer Aleah Finnegan (gymnastics) at boxer Aira Villegas.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page