top of page
Search
BULGAR

Pagpasok ng mga foreigners sa 'Pinas, nilimitahan

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 16, 2021



Pinapayagang makapasok sa bansa hanggang sa ika-30 ng Abril ang mga foreign nationals kabilang ang mga nakapagsumite ng dokumento sa Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang ika-22 ng Marso, batay sa inaprubahang Resolution 110 ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga foreign nationals na may valid entry exemption documents na pinapayagang makapasok sa bansa ay ang mga sumusunod:


• diplomat at miyembro ng international organization, kasama ang kanilang dependents na may valid 9(e) visa o 47(a)(2) visa

• foreign nationals na kasama sa medical repatriation na inendorso ng Department of Foreign Affairs - Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs and Overseas Workers Welfare Administration na may valid visa

• foreign seafarers sa ilalim ng “Green Lanes” program na may 9(c) crew list visa

• Pinoy na asawa at anak ng foreigner na may valid visa

• emergency, humanitarian, at iba pang analogous cases na inaprubahan ng Chairperson of the National Task Force Against COVID-19 o mga authorized representatives ng foreign nationals na may valid visa


Nilimitahan ang pagpapapasok ng mga dayuhan sa ‘Pinas dahil sa lumalaganap na pandemya. Sa ngayon ay 904,285 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa, kung saan umakyat na sa 183,527 ang aktibong kaso, mula nang magpositibo ang 11,429 kahapon.


Batay din sa huling tala ng Department of Health (DOH), tinatayang 705,164 ang lahat ng mga gumaling sa virus, habang 15,594 ang mga pumanaw.

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page