top of page
Search
BULGAR

Pagpasa ng 2022 P5.024 trilyong nat’l budget, posible sa unang linggo ng Disyembre

ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | November 27, 2021



Sa loob ng pitong araw ay natapos ng Senado, sa pangunguna ating komite (Senate Committee on Finance) ang budget debates kaugnay sa P5.024 trilyong 2022 national budget.


At muli, kahit naipahatid na natin ang ating pasasalamat sa ating mga kasamahang senador na talagang nakipagpuyatan gabi-gabi hanggang madaling-araw, partikular ang ating mga vice-chairpersons, ang kani-kanilang staff, magpapasalamat pa rin tayo sa kanila sa pamamagitan ng pitak nating ito.


Kung hindi dahil sa kanilang pakikiisa at sa matiyagang interpelasyon, malamang ay hindi tayo umabot sa target nating deadline para matapos ang debate.


At dahil dito, posibleng pumasa na sa ikalawa at ikatlo o pinal na pagbasa ang proposed national budget sa unang linggo ng Disyembre upang matiyak na agad itong malagdaan ng Pangulo upang may panibago tayong gagamiting pondo para sa susunod na taon.


***


Patungkol naman sa panukala ng Mababang Kapulungan na palawigin pa ang validity ng 2021 national budget, pabor tayo rito.


Unang-una, kailangang magtuluy-tuloy ang disbursement of funds para sa mahahalagang proyekto na nabimbin dahil sa pandemya.


Suportado natin ang 2021 budget extension at umaasa tayong maging ang mga kasamahan natin sa Senado ay kakatig din sa proposisyong ito.


Batid nating lahat na maraming proyekto at budget implementation ang nagkaproblema ngayong taon dahil sa mga ipinatupad na lockdown dahil sa pagtaas ng COVID cases nitong mga unang buwan ng taon.


Maraming pondo ang bumalik sa national treasury dahil hindi naituon sa mga kinakailangang proyekto at programa dahil sa mga restriksiyong ipinatupad ng gobyerno kaugnay sa pandemic.


Makatutulong sa ating economic recovery kung papayagan ng Kongreso ang ilang ahensiya na ipagpatuoy ang kanilang mga naudlot na proyekto at programa dahil sa pinagdaraanan nating krisis.


Maging ang napakagaling nating Minority Leader na si Sen. Frank Drilon, suportado rin niya ang panukalang ito, kasabay ang panawagang kailangang pagsikapan ng mga ahensiya ng gobyerno na magamit o maigastos sa mga nauukol na programa at proyekto ang mga ipinagkakaloob na pondo sa kanila.



 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa  AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page