top of page
Search
BULGAR

Pagpapawalang-bisa ng kasal sa pagtatago na buntis sa iba ang misis

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Nov. 26, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang aking kapatid na lalaki ay nagpakasal sa matagal na niyang kasintahan na nagtatrabaho sa Hong Kong. Ang kanilang kasal ay naganap isang linggo mula nang dumating siya ng Pilipinas mula sa Hong Kong. Kaninang umaga ay nakita ko ang asawa ng aking kapatid na nagsusuka sa aming hardin. Ako ay nabahala kaya siya ay nilapitan ko upang kumustahin. Sinabi niya sa akin na siya ay maayos naman subalit inamin niyang maaaring siya ay nabuntis ng kanyang naka-date sa Hong Kong. Kung ito’y totoo, maaari ba akong magsampa ng kaso upang ipawalang-bisa ang kanilang kasal? Alfonso


 

Dear Alfonso,


Ang inyong kapatid ay maaaring magsampa sa korte ng petition for annulment of voidable marriage dahil sa fraud sang-ayon sa Article 45 (3) na may kaugnayan sa Article 46 (2) ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


“Art. 45. A marriage may be annulled for any of the following causes, existing at the time of the marriage: xxx

 (3) That the consent of either party was obtained by fraud, unless such party afterwards, with full knowledge of the facts constituting the fraud, freely cohabited with the other as husband and wife; xxx

“Art. 46. Any of the following circumstances shall constitute fraud referred to in Number 3 of the preceding Article: xxx

 (2) Concealment by the wife of the fact that at the time of the marriage, she was pregnant by a man other than her husband; xxx”


Batay sa nasabing mga probisyon ng batas, ang tamang indibidwal na maaaring magsampa ng nasabing petisyon sa korte ay ang inyong kapatid at hindi kayo.   


Batid din ng Section 3 of A.M. No. 02-11-10-SC (March 4, 2003) (RE: PROPOSED RULE ON DECLARATION OF ABSOLUTE NULLITY OF VOID MARRIAGES AND ANNULMENT OF VOIDABLE MARRIAGES), as amended, na:


“Section 3. Petition for annulment of voidable marriages. –


(a) Who may file. - The following persons may file a petition for annulment of voidable marriage based on any of the grounds under article 45 of the Family Code and within the period herein indicated: x x x


(3) The injured party whose consent was obtained by fraud, within five years after the discovery of the fraud, provided that said party, with full knowledge of the facts constituting the fraud, has not freely cohabited with the other as husband or wife; XXX”


Binibigyang-diin nga ng mga nasabing probisyon ng batas na ang may legal standing na magsampa ng nasabing petisyon ng pagpapawalang-bisa ng kasal ay ang inyong kapatid dahil ang kanyang consent o pahintulot na magpakasal ay nakuha sa paraan ng fraud o panloloko sa pamamagitan ng pagtatago ng kanyang asawa na siya ay buntis, noong siya ay nagpakasal sa inyong kapatid, at ang ipinagdadalantao niya ay hindi sa inyong kapatid kundi mula sa ibang lalaki. Kailangan din na maisampa ito sa korte sa loob ng limang taon mula nang malaman o madiskubre ang nasabing fraud o panloloko.  


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page