top of page
Search
BULGAR

Pagpapatupad ng VAT refund program sa 2024, dapat hassle-free

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | February 2, 2023


Nitong Linggo, inanunsyo ng Malacañang ang pag-apruba ni President Ferdinand Marcos, Jr. sa implementasyon ng value-added tax (VAT) refund program para sa mga foreign tourist sa 2024.


Ang refund program, na kasama sa “Quick Wins” na rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council, ay nakikitang makakatulong sa paghikayat sa mga turista na dalawin ang bansa.


Kapag naisagawa na, maibabalik sa mga foreign travelers ang 12% VAT imposed sa goods and services na sinisingil sa bansa.


☻☻☻


Bago natin simulan ang hakbang na ito, mainam kung magsagawa ang Department of Finance (DOF) ng walk-through sa implementasyon ng VAT refund sa ating mga retail shop, department store, sea- at airports, at iba pang serbisyo.


Ito ay para masiguro na maipapatupad ito nang maayos, at ang proseso ay magiging convenient at hassle-free para sa mga turista.


Mahalaga rin na maipaliwanag ng DOF kung magkano ang aabuting administrative costs sa implementasyon nito, ilang percent ang mababawas sa collection natin, at ano ang magiging epekto at benepisyo ng VAT refund sa mga micro, small, and medium enterprises ng bansa.


☻☻☻


Kaugnay ng usaping MSME, maganda rin sigurong mabigyan natin sila ng complementary program sa VAT refund.


Halimbawa, dagdagan din natin ng incentives ang mga local enterprises at entrepreneurs na nagsusulong ng tunay na ‘Gawang Pinoy’ items kaysa sa mga tindahan na nagbebenta ng imported o foreign-manufactured products.


☻☻☻


Tina-target natin na umabot sa 4.8 million tourist arrivals ang Pilipinas ngayong taon.


Marami tayong kailangang ayusin upang madagdagan pa ang 2.65 million turistang tinanggap natin noong 2022.


Ang VAT refund program ay hakbang sa tamang direksyon sa muling pag-usbong ng turismo sa bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page